The Seven Worst #40 [Hindi kita iiwan]

624 3 0
                                    

The Seven Worst #40

[Ezekiel Del Valle’s POV]

Friday na ngayon. Halos mag-iisang linggo na din akong nanliligaw kay Isabella. Mag-iisang linggo na ding comatose si Donna. Nag-eempake ako ngayon ng mga damit ko dahil pupunta na kami sa beach.

Pagkatapos mag-empake ay binaba ko na ang bag ko tapos nilapag sa sofa. Nakita ko naman si JB dun na seryosong nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ang tingin na yun... So, sina Jethro at Mashie pala yung tinitingnan niya ah? Maasar nga.

‘’Ehem, ehem’’ Sabi ko at naupo sa tabi ni JB. Iniwas naman niya ang tingin niya kila Mashie at diniretso ang tingin sa TV. Ibang klase talaga ‘tong isang ‘to.

‘’Wagas makatitig kila Mashie ah. Baka naman matunaw na sila sa talim ng titig mo?’’

‘’What are you talking about?’’ Deny niya.

‘’Ang slow mo naman. I thought you’re a genius. What I’m talking about is, YOU.LIKE.MASHIE’’ Binulong ko yung pangalan na Mashie dahil baka marinig nga ng iba.

‘’I.DON’T.LIKE.HER.OK?’’ Sabi naman niya. Kailangan kong mapaamin ‘to.

‘’Anong nararamdaman mo kapag kasama mo si Greyson?’’ Out of the blue kong tanong.

‘’Ha?’’

‘’Just answer my questioooon’’

‘’Maingay’’

‘’Eh kay Vera?’’

‘’Annoying’’

‘’Kay Isabella?’’

‘’Makulit’’

‘’Kay Mashie?’’

‘’Masaya—Shit?’’

‘’Gotcha! Si JB inlove na, si JB inlove na. Nyahahahah! ~’’

‘’Ginulo mo ang isip ko kaya ganon. Tsk!’’

‘’Just admit it, okay? Secret lang natin’’ Tapos napahagikhik na lang ako. Ang sarap neto pagtripan. Ayaw pa kasi umamin eh matagal ko nang nahahalata.

‘’Ano bang mga sinasabi mo? I said no!’’ Tapos nilayasan niya ako at pumunta na siya sa kitchen. Sinundan ko naman siya.

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

‘’Nagugutom na ako’’ Reklamo ni Jethro.

‘’Wait, kukunin ko lang yung chocolate ko sa ref’’ Tapos tumayo na ako at pumunta sa kitchen. Natigilan ako nang makarinig ako ng boses.

‘’Admit it JB, you like her right?’’ Nanatili akong nakatayo doon. Hindi naman nila ako nakikita dahil nakatalikod si JB sa akin at nakaharap sa ref habang may hinahalungkat. Si Kiel naman ay nakatalikod din at nakatingin sa naghahalungkat na si JB.

‘’I said no’’ Sabi ni JB habang tumitingin tingin pa sa ref.

‘’Sabi mo masaya ka tuwing kasama mo siya?’’ Sino bang tinutukoy nila?

‘’Ginulo mo lang ang utak ko kaya ganon’’

‘’Sinungaling."

‘’Pwede ba? Wag ka na nga bumuntot sa akin’’ Inis na sabi ni JB tapos kumuha ng bottled mineral water sa ref at ininom.

‘’Admit it first’’ Binaba naman ni JB ang iniinom niya at tumingin ng diretso kay Kiel.

‘’I will clear this to you. I don’t like Mashie. Hindi siya ang type ko, okay? So please, tigilan mo na ako. I don’t like her at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan dahil hindi siya ang tipo ko. Mas pipiliin ko pa si Keira kesa sa kanya. Get it? At is---‘’

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon