The Seven Worst #33 [The bad girl's side]

660 3 1
                                    

The Seven Worst #33

[Vera Smith’s POV]

Sunday/8:30 a.m

Hanggang ngayon badtrip pa din ako kay Mashie. Naiinis talaga ako sa kanya. Hindi ko nga siya pinapansin eh. Pag kinakausap niya ako snob lang. Tapos eto namang si Jethro lapit nang lapit kay Mashie at nagp-pretend pa na hindi nasasaktan.

Si Kiel naman, nag-gigitara, kahapon pa siya nagsesenti dyan eh. Si Greyson naman kasama si Stacey--napag-usapan na namin na isama ni Stacey si Greyson kahit saan dahil baka mag-away lang ulit sila ni Kiel kapag andito yun. Si Isabella? Tsk. Wala akong pake dun. Pero ang alam ko tatlong araw na siyang nakakulong sa kwarto niya. Bahala siya, asa namang may mangyayari kapag nagkulong siya. Siya din kawawa.

Ako naman nakaupo lang dito katabi si JB na walang ibang ginawa kundi manood ng TV. Buti na lang at tulog si Dimples, mamaya pa ang gising nun dahil buhay prinsesa. Mula nung mag-katampuhan sina Isabella at Kiel ganyan na siya eh. Yung dalawang yun kasi ang nag-aalaga talaga sa kanya.

‘’JB’’ Tawag ko kay JB na nanonood ng TV. Lumingon lang siya. Ang boring talaga niya. Kay Keira lang siya mabait eh.

‘’Gusto mo si Keira ‘no?’’ Napataas naman ang kilay niya sa tanong ko. Tsss, wala kasi akong magawa kaya pagt-tripan ko na lang siya.

‘’Pinagsasasabi mo?’’

‘’Ba’t hindi ba?’’

‘’Hinde’’ Aish! Napakaboring kausap

‘’Kaya pala, sa kanya ka nga lang mabait eh’’

‘’Kasi mabait din siya sakin’’

‘’Bakit masama ba kami sayo?’’

‘’Oo’’

‘’Kapal’’

‘’Mas makapal ka’’

‘’Aba, sinusubukan mo ko ha!’’ Tapos ay lumapit ako sa kanya at pinagsasabunutan siya.

‘’VERA SMITH! Ang sakit! Tumigil ka nga! Aray!’’ Buti nga sayo. Makapal pala ha?

‘’Yan ang bagay sayo. Makapal pala ha!’’ Tapos sinabunutan ko pa siya lalo.

‘’Ouch! Damn you stupid maldita!’’

‘’Yeah, I know. Pero di ko matatanggap na sabihan akong STUPID’’ Tapos mas lalo ko pa siyang sinabunutan.

‘’Ouch! Shit! Yari ka sa akin! Aray!’’

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

‘’Ano?! Minumura mo ko ha?! Bawiin mo sinabi mo! Dali!’’ Sigaw ni Vera kay JB habang sinasabunutan niya ito. Pinapanood lang namin ni Jethro yung dalawang nag-aaway. Pero imbis na matuwa ako eh parang sumikip bigla yung dibdib ko.

‘’Okay, fine! Hindi na! Di na kita mumurahin! Bitaw na!’’ Sigaw naman sa kanya ni JB. Hindi pa din bumibitaw si Vera at dumagan pa siya kay JB para masabunutan niya yun. Nakahiga na ngayon si JB tapos si Vera sinasabunutan siya.

‘’Na-ah-ah! You called me STUPID. Bawiin mo yun!’’

‘’Fine, you're not stupid. Witch na lang!’’

‘’Ano kamo?’’ Tapos sinabunutan nanaman niya si JB.

‘’Sumosobra ka ng witch ka ha!’’ Tapos tinanggal ni JB yung kamay ni Vera pero ayaw matanggal. Pilit na kinukuha ni JB yung kamay ni Vera hanggang sa napadagan na din si Vera kay JB.

Shocks! What kind of feeling is this? May sakit na ata ako sa puso? Lately kasi napapadalas ang sakit ng puso ko. I don’t know why.

[Vera Smith’s POV]

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon