The Seven Worst #13
[Greyson Santos POV]
Andito na kami ngayon sa cafeteria. Kakalabas lang namin, lunch time na kasi. Nagtataka nga kami kasi mula nung mag breaktime ay di na namin nakita sina Isabella at Ezekiel eh. Saan naman kaya sila nagpunta?
Take it to the head, yeah yeah~
Napatingin ako sa phone ko. Nagriring kasi at I'm sure na may tumatawag. Napatingin ako sa screen ko at... agad kong binaba yung call. Aish! Ano nanaman kailangan niya?!
''Problema mo, Greyson? Nakabusangot ka dyan?'' Tanong sa akin ng espren kong si Jethro.
''La lang to, espren! May tumawag lang'' Sagot ko sa tanong niya saka kumain ulit.
''Sus, eh, ba't di mo sinagot?'' Dami ding tanong neto eh.
''Tanong mo kay kingkong. Pakelamero!'' Nainis naman siya at sinamaan na lang ako ng tingin. Letse, matanong kasi eh.
''Hi, guys!'' Napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita namin sina Isabella at Ezekiel na mga naka-civilian.
''Anong trip yan?'' Sabi ko sa kanila.
''Nabasa kami ng ulan kanina. Eh, ang lakas kaya naman nagstay kami sa kubo and ayun di kami nakapasok sa class'' Paliwanag ni Ezekiel.
''San ba kayo galing?'' Tanong naman ni JB sa kanila.
''Sa likod ng university. Actually, ako lang ang andun and nagulat ako nang malaman kong nandun din si Isabella'' Paliwanag niya ulit. Tumango na lang kami at nakisali na sila sa pagkain. Tae, may kaagaw nanaman ako. Kami lang kasi ni Ezekiel ang dakilang matakaw sa buong grupo. Naks, grupo? Matatawag ko bang grupo na kami? Well, TSW daw eh.
Kumain lang kami nang kumain. May natitira pa kaming 1 hour and 30 min. kaya naman pumunta kami sa rooftop. Wala naman masyadong dumadayo dun kaya naman dun na lang kame. Tsaka baka pag magstay kami dito eh pagkaguluhan kami. Nakakabwisit sila eh! Sarap bangasan.
''Hi Vera!'' Mang-aasar na lang ako. Ang boring kasi eh. Tumingin lang siya sa akin na walang reaksyon. Ano ba talaga nangyayari sa kanya?
‘’Ano ba nangyayari sayo? Lutang ka tsaka mukhang wala kang red alert. May sakit ka ba?’’ Sabi ko saka kinapa ang noo niya. Tinanggal naman niya yun.
‘’None of your business’’ Sagot niya sa akin. Akala ko pa naman iirapan niya ako, pero iba eh. Walang emosyon yung mukha niya. May problema siguro ‘to. Hayy! Iba na nga lang.
Napatingin ako kay Isabella na nagtetext. Nilapitan ko siya. Mas masarap asarin ‘to kasi lagi siyang asar talo.
‘’Hi, Bella!’’ Bati ko sa kanya. Nge? Nagsalubong ang kilay. Binabati ko pa nga lang siya galit na.
‘’Don’t call me Bella. Only Aaron can call me that name’’ Sabi niya sabay irap sa akin. Onga pala, tinawag siyang Bella ni Aaron nung nagbati na sila. Pwes, mang-aasar ako.
“B---‘’ Bago pa ako magsalita ay naunahan niya na agad ako.
‘’Greyson, matanong ko lang…’’ Sabi niya.
‘’Ano?’’ Naiiritang tanong ko. Eh kasi, aasarin ko pa siya. May tanong tanong pa. Tsss!
‘’Bakit mo ba binugbog si Aaron dati?’’ Curious na tanong niya.
‘’Ah, yun ba? Ganto kasi yun…..’’
*Flashback*
Sa wakas! Nakatae din! Kanina ko pa ‘to pinipigilan eh.
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Fiksi RemajaPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...
