The Seven Worst #37 [Kung pwede lang]

647 4 0
                                    

The Seven Worst #37


[Mashie Hisami Mohasco]


Bumangon na ako sa aking kama at dumiretso sa CR para maghilamos at mag-toothbrush. Sunday ngayon at bukas may pasok nanaman kami. Ang bilis ng araw.


Pagkatapos ko maghilamos at mag-toothbrush ay bumaba na ako ng hagdan para kumain. Baka nakapag-ready na si Isabella ng pagkain.


Pagkababa na pagkababa ko ay nasalubong ko si JB na nanonood nanaman ng TV.


''Good morning!'' Masayang bati ko sa kanya. Napatingin lang siya sa akin at bumalik ulit sa panonood. Napabuntong-hininga na lang ako... wala sigurong tsansang magustuhan ako ng isang 'to at sa tingin ko ang mga tulad ni Keira ang tipo niya.


Dumiretso ako sa kitchen at nandun na silang lahat. Except kay JB kasi andun nga siya sa sala. Uupo na sana ako ng upuan nang makita kong ang sama ng tingin sa akin ni Vera. Kulang na lang sakalin niya ko sa talim ng tingin niya. I know it's because of what happen between Jethro and me. Pero bakit ganon na lang siya ka-affected? Samantalang wala naman siyang pakialam minsan sa nararamdaman ng ibang tao. Hayy, makakain na nga lang.


''Seven, it's been a longtime na hindi na kayo nakakapagusap-usap. Tapos may nag-aaway away pa sa inyo. Hayy, I'll report all of you to my mommy if may away nanamang maganap. I swear!'' Natigilan kaming lahat sa tahimik na pagkain nang may bumasag ng katahimikan. Si Dimples.


''You know what, I'm really really sad. It's because pati ang mommy and daddy ko which is Ate Isabella and Kuya Ezekiel eh hindi na nag-uusap. It's so hard for me you know!'' Pagmamaktol ulit ni Dimples. Naiintindihan ko si Dimples kasi nga super close siya kay Isabella and Kiel. Pero di naman na nag-uusap yung dalawa kaya wala na siyang madalas na nakakalaro.


''Dimples baby, maaayos din 'to ha? Don't be sad na'' Paglalambing ni Jethro kay Dimples. Magaling na siguro siya kasi diba si Vera nag-alaga sa kanya while he's sick. I really smell something fishy.

''Kelan? Kuya Jeth, tell me!''


''I dunno. Pero alam ko na maaayos 'to. Eat ka na ha? Para very good''


''OK'' Nagpout na lang si Dimples.


After kumain ay dumiretso kaming lahat sa living room, ah not actually lahat. Dahil si Greyson di naman na masyado nakikisama sa amin. Lagi lang siya nasa kwarto niya at natutulog. Si Isabella naman umiiwas kay Kiel. Si Kiel madalas naming makasama, tapos si Vera naman nagbabantay nga kay Dimples. Bale ang andito lang ngayon ay ako, si Jethro, JB, Vera, Dimples, and Kiel.

Si Vera at Kiel, ayun nag-aaway dahil gusto nga ni Vera na siya  na lang tumulong maglaba kay Jethro tapos si Kiel naman ang mag-aalaga kay Dimples.


''Ako na ang maglalaba, Kiel! Wag ka na makulet!'' Sigaw ni Vera kay Kiel. If I'm not mistaken, ayaw ni Vera  maglaba kasi nga yung kamay niya daw masusugatan. Eh ba't ngayon?


''Hayy, gusto niyo talagang maglabang dalawa?'' Singit ni Jethro. Nagnod naman si Vera at Kiel.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon