EPILOGUE

404 10 3
                                    

[Mashie's POV]

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala.. hindi ko akalaing mahal din ako ng taong mahal ko.. Ganito pala yun 'no. Hindi ka makatulog kakaisip sakanya, hindi ka mapakali.

1:00 am na pero gising pa din ako. Hayyy! Mamaya may pasok kami. Aantukin ako neto panigurado, hindi pa naman ako sanay ng napupuyat ng gantong oras.

Lumabas ako saglit sa kwarto ko para magtimpla ng gatas. Bago pa ako tuluyang makapasok sa kusina ay napansin kong may tao din dun. Sinilip ko yun at nakita ko si Jethro na nakaupo sa may dining table. Bakit gising pa siya?

Napansin siguro niya ang presensya ko kaya naman napatingin siya sa direksyon ko.

"Mash, gising ka pa pala. Anong oras na ah" sabi niya saakin.

"Ahm.. magtitimpla kasi ako sana ng gatas, hindi kasi ako makatulog eh" sagot ko naman. Lumapit ako sa tabi niya at naupo. "Jeth.." tawag ko sakanya.

"Alam ko na ang gusto mong sabihin" at ngumiti siya. "Hindi mo kailangang magsorry o kung ano. Diba sabi ko sayo, kapag nagkagusto din sayo ang taong gusto mo eh bibitiwan na kita?" tumango naman ako.

"Malaya ka na Mash.. binibitawan na kita. Alam ko na si JB ang kasiyahan mo, sapat na siguro yung ilang buwan ng pagpapakita ko sayo na mahal kita. Naramdaman mo naman siguro yun diba?" tumango ulit ako. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Wag ka na malungkot. Inaamin ko masakit para sakin na i-let go ka, kahit pa alam ko na hindi ka naman akin. Pero kung yan ang kasiyahan mo, wala na akong magagawa." tinap niya yung ulo ko. "Makita lang kitang masaya sapat na para saken. Alam ko na balang araw mahahanap ko din yung happiness na hinahanap ko. Sangayon, masaya ako dahil masaya ka" ngumiti ulit siya.

"Mashie, pwede ba kitang mayakap?" agad naman akong tumango. Ako na ang yumakap sakanya, niyakap naman niya ako pabalik.

"Patawad kung hindi ko nasuklian yung pag--"

"Ssssh.. Okay lang, mashie. Diba ako naman nagpumilit?" at humiwalay siya ng yakap.

"Panatilihin mo ang mga ngiti sa labi mo. Kapag nawala ang ngiti jan, babalik ako sige ka hahaha. Sige na, matutulog na ako. Matulog ka na din, may pasok pa mamaya" bago pa siya umalis ay nagsalita ako.

"Salamat Jeth.. salamat sa lahat.." ngumiti lang siya saakin at tuluyan ng lumakad paalis.

*sigh

Kahit pa din sabihin niya na okay lang siya, hindi pa din maalis saakin na maging malungkot. Kasi alam ko sobrang sakit nun para sakanya. Sobrang saludo ako sa katapangan ni Jethro. Sana mahanap niya din yung babaeng makakapagpasaya sakanya. Yung magmamahal sakanya tulad ng ginawang pagmamahal niya saken.

Nakaramdam na din ako ng antok kaya naman di na ako nagtimpla ng gatas. Dumiretso na ko sa kwarto ko at natulog.

Kinabukasan...

*poke

*poke

"Mmm.. sino ba yan.."

*poke

kinusot kusot ko ang mata ko at dumilat.

"Hi shieshieboo, goodmorniiiiing!" halos mapatayo ako sa pagkakahiga nang masilayan ko ang mukha ni JB. Agad ako nagayos ng buhok at dahan dahan tumingin sakanya.

"Maganda ka pa din shieshie kahit na bagong gising ka kaya di mo na kailangan mag ayos" nakangiting sabi saakin ni JB. Teka, si JB ba 'to? o nananaginip lang ako ng gising?

Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Kinusot kusot ko ang mata ko. Oo nga, siya nga.

"Ano ka ba naman Shieshie, oo ako nga 'to. Sorry kung naninibago ka saken ah haha" napanganga na lang ako.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon