The Seven Worst #16 [Love or Conscience?]

846 3 3
                                    

The Seven Worst #16

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

‘’Handa na yung dinner’’ Sabi ko sa kanila. Nasa living room sila at hinihintay na ang pagkain.

‘’Itlog lang ang ulam?!’’ Nagtatakang tanong ni Vera.

‘’Wala na tayong budget. Napapadalas ang pagbili natin ng mamahaling pagkain kaya naman naubos agad yung pera. Tapos may mga bill pa dito sa bahay at hindi lang yun, kumakain pa tayo sa school’’ Paliwanag ni JB.

‘’What?! Wala ng natirang ibang food?’’ Tanong naman ni Isabella.

‘’Wala na’’ Sagot ko naman. Kaya nga, aalis ako mamaya para bumili ng chocolates ko eh. Sorry, guys. 500 na lang pera ko.

‘”Edi wala tayong uulamin mamaya?’’ Tanong ni Kiel.

‘’May naitago akong tatlong corned beef in case of emergency. Yun na lang ang i-aalmusal natin bukas. Buti na lang at sunday bukas, wala tayong pasok.’’ Sabi naman ni Jethro.

‘’Next week pa natin makukuha yung monthly budget kasi nga July 24 pa lang ngayon. Eh sa August 1 pa yun ibibigay. Hindi naman tayo pwede hindi kumain ng 1 week. Napakatakaw kong tao!’’ Sabi naman ni Ezekiel.

‘’Magagawan din ng paraan yan. Sangayon, kumain muna kayo. Hindi na lang ako kakain kasi busog pa ko’’ Sabi ko sabay lakad paakyat sa kwarto ko. 7:00 p.m pa lang. 2 hrs pa ako maghihintay kasi nga 9:00 ako lalabas ng bahay.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din ang paghihintay ko. Nagbihis na ako at syempre, nagsuot pa din ako ng disguises para hindi ako mahalata sa 7/11 tulad nung nangyari dati sa mini-stop.

After magbihis ay bumaba na ako ng hagdan. Buti na lang at walang tao sa living room. Bilis bilis akong lumabas ng bahay at naglakad na paalis.

[Isabella Sandoval’s POV]

Hayss! Nawawala nanaman yung papel ko dito. Tsss, gagawa ako ng assignment eh.

Alam ko na, hihingi na lang ako kay Mashie. I’m sure may papel yun tsaka gising pa yun ng gantong oras.

Kakatok pa lang sana ako nang automatic na nagbukas yung pinto. Iba talaga nagagawa ng ganda ko. Pati pinto bumibigay. Aish! Makapasok na nga lang, bukas naman eh.

‘’Mash? Mashie? Yoohooo!’’ Sabi ko. Hinanap ko siya sa CR at sa buong sulok ng kwarto niya pero wala siya. Bumaba ako at pumunta ng living room, wala din. Pumunta ako sa kitchen at dining area pero wala din siya.

Dali-dali akong sumilip sa labas ng bahay. Bukas yung gate. Omo! Omo! Nawawala si Mashie! Omagash!

Tumakbo ako paakyat sa taas at ginising silang lahat. Nagsilabasan naman sila. Nandito na kami ngayon sa living room.

‘’Baka naman may pinuntahan lang saglit?’’ Sabi naman ni JB habang nagkukusot ng mata.

‘’Kahit na, babae pa din si Mashie! At pag lumabas siya ng gantong oras baka kung anong mangyari sa kanya!’’ Sabi ko naman kay JB.

‘’Edi hanapin niyo siya. Basta, matutulog na lang ako dito--‘’ Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil sinampal ko siya. Napahawak naman siya sa pisngi niya.

‘’Kahit pa magaling mag-judo, magkarate, o mag-taekwondo si Mashie, delikado pa din na lumabas siya ng gantong oras kasi babae siya! Palibhasa kasi lalaki ka at walang mawawala sayo! Napakaselfish mo, JB! Hindi mo ba naisip yung mga nagawa ni Mashie para sa atin? Hindi ka ba magiging concern sa kanya kahit konti lang?!’’ Bulyaw ko kay JB. Ganto talaga ako. Ayoko rin kase na binabalewala lang ang mga babae. Tsaka sobrang thankful ako kay Mashie para sa mga nagawa niya sa akin. Siya rin ang dahilan ng pagbabati namin ni Aaron.

‘’Kung ayaw mo hanapin si Mashie, kami na lang nila Greyson ang maghahanap.’’ Madiin na sabi ni Jethro. ‘’Greyson, Kiel, maghiwa-hiwalay tayo. Vera at Isabella, magstay na lang kayo dito kasi baka mapano pa kayo. Tawagan niyo na lang kami kung bumalik na dito si Mashie. At ikaw JB, matulog ka na. Nakakahiya naman sayo kasi ginising ka pa ni Isabella’’ Sabi ni Jethro sabay labas ng bahay. Sumunod naman sa kanya sila Kiel.

[Jett Bentley Dion’s POV]

Sampal. Nasampal ako ng isang babae ng dahil lang dun. Ang OA naman nila masyado. Hindi naman makikidnap si Mashie eh. Masyado sila maka-react.

Andito ako ngayon sa kwarto ko habang sila Vera nasa living room. Nakahawak pa din ako sa pisngi ko na sinampal ni Isabella. Hindi siya masakit, pero yung mga sinabi ni Isabella, yun yung masakit.

‘’Kahit pa magaling mag-judo, magkarate, o mag-taekwondo si Mashie, delikado pa din na lumabas siya ng gantong oras kasi babae siya! Palibhasa kasi lalaki ka at walang mawawala sayo! Napakaselfish mo, JB! Hindi mo ba naisip yung mga nagawa ni Mashie para sa atin? Hindi ka ba magiging concern sa kanya kahit konti lang?!’’

‘’Kahit pa magaling mag-judo, magkarate, o mag-taekwondo si Mashie, delikado pa din na lumabas siya ng gantong oras kasi babae siya! Palibhasa kasi lalaki ka at walang mawawala sayo! Napakaselfish mo, JB! Hindi mo ba naisip yung mga nagawa ni Mashie para sa atin? Hindi ka ba magiging concern sa kanya kahit konti lang?!’’

‘’Kahit pa magaling mag-judo, magkarate, o mag-taekwondo si Mashie, delikado pa din na lumabas siya ng gantong oras kasi babae siya! Palibhasa kasi lalaki ka at walang mawawala sayo! Napakaselfish mo, JB! Hindi mo ba naisip yung mga nagawa ni Mashie para sa atin? Hindi ka ba magiging concern sa kanya kahit konti lang?!’’

Aish! Paulit ulit talaga?! Kelangan ipamukha sa akin?

Bahala sila, ang OA nila masyado. Tsaka, ano naman kung hindi ko hanapin si Mashie?! Andun naman si Jethro para sa kanya. Tsss!

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

Pauwi na ako ngayon galing sa 7/11 na malapit dito sa mansyon. Buti naman at walang nakapansin sa akin. Buti na lang talaga...

‘’Pst’’ Napalingon ako sa likod ko. Wala namang tao. Naglakad ako ulit.

‘’Pst’’ Tumalikod naman ako ulit pero wala namang tao.

‘’Miss’’ Napalingon ulit ako at nagulat ako nang may lalaking nasa likuran ko. Mukha siyang lasing.

‘’Sino ka? Wag kang lalapit!’’ Sigaw ko sa lalaking lasing habang naglalakad paatras para maiwasan siya.

‘’Miss naman eh, magpapakilala lang ako, ako ngapala si---‘’ Di na natuloy nung lalaki ang sasabihin niya nang may sumuntok sa kanya. Natumba naman yung lalaki at…

‘’Hindi dapat lumalabas ang babae ng gantong oras’’ Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinigit na ako paalis. Nakatingin pa din ako sa kanya hanggang ngayon. Hinanap niya ba ako? ‘’Sa susunod, wag kang lalabas ng gantong oras. Nag-aalala sila sayo. Napilitan lang akong sunduin ka kaya wag ka mag-isip ng kung ano- ano’’ Sabi ni JB sa akin habang diretso ang tingin sa daan. Napatungo na lang ako. Bakit parang disappointed ako sa sinabi niya?

Maya-maya nakarating na kami ng mansyon. Andun silang lahat sa living room.

‘’O, JB. Akala ko ba hindi mo hinanap si Mashie?’’ Tanong ni Isabella.

‘’Babae pa rin siya. Tsaka, kinonsensya mo ko’’ Sagot ni JB saka ako binitawan at naglakad paakyat sa 2nd floor. Lumapit naman sa akin si Jethro.

‘’Okay ka lang? Sa susunod wag ka aalis ng bahay ng gantong oras ha? Baka mapano ka. Pinag-alala mo kami’’ Sabi naman sa akin ni Jethro. Ngumiti na lang ako sa kanya.

‘’Ang sweet naman..’’ Sabi ni Kiel. Hindi na lang namin siya pinansin at umakyat na din kami sa kanya-kanya naming kwarto.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon