The Seven Worst #23 [Meet his first love]

824 4 3
                                    


The Seven Worst #23

[Jett Bentley Dion’s POV]

6:30 p.m

Aish! Sino ba ‘tong sundot nang sundot sa pisngi ko? Kitang natutulog yung tao eh. Tss, bahala ka kung sino ka man.

‘’Gising na..’’ Narinig kong sabi niya

‘’Mmm…Maya na.. natutulog pa ko eh..’’ Sabi ko habang nakapikit pa rin.

‘’Kakain na ng dinner’’ Sabi pa niya. Ang kulet din neto eh no?

‘’Yoko pa nga. Kulet mo naman eh’’ Sabi ko habang nakapikit pa rin. Naramdaman ko namang mabilis niyang hinila yung paa ko kaya bumagsak ako sa sahig. Syempre, napabangon ako. Ikaw ba naman hilahin diba? Hindi ka ba magigising?

‘’ANG KULET! SABI NG---Mashie?’’ Nagulat ako nang makita ko si Mashie na hawak yung paa ko. Akala ko pa naman si Kiel yung sumusundot sa pisngi ko.

‘’Ako nga. Kain na ng dinner’’ Nakaiwas ng tingin niyang tugon. Bakit di siya makatingin?

‘’Tsss. Kita nang natutulog ako tapos hihilain mo ko.’’ Sabay tayo ko.

‘’Pasensya na. Mas okay namang magising ka sa sarap ng tulog mo kesa naman malipasan ka ng gutom. Sunod ka na lang sa dining, kumakain na dun sila Vera’’ Sabi niya sabay akyat sa 2nd floor. Nga-nga naman ako sa sinabi niya.

Dumiretso ako sa dining at kumain na din. Ang bilis naman ng araw. Sunday nanaman bukas. Naalala ko tuloy nung nakasama ko sila mommy. Di kobmaiwasang di mapangiti tuwing naaalala ko yun.

‘’Oh, JB? Nakangiti ka dyan?’’ bungad ni Greyson.

‘’May naalala lang ako’’ Sabi ko saka tinuloy ang pagkain ko.

‘’Sino si Mashie?’’ Napatingin naman kaming lahat kay Ezekiel. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

‘’JB, do you like Mashie?’’ biglang tanong sa akin ni Jethro.

‘’Of course not, naniniwala kayo agad sa sabi-sabi. Tss’’ Sabi ko sabay tayo at umalis ng dining room. Nawalan na ako ng ganang kumain.

‘’O, tapos ka na kumain?’’ Tanong sa akin ni Mashie nang makasalubong ko siya sa living room. Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko lang siya.

Ang boring naman. Si Greyson kasama si Stacey. Yes, andito si Stacey. Sina Kiel and Isabella naman naghaharutan. Si Vera bumalik nanaman sa kwarto niya. Sina Jethro at Mashie naman naglalandian. Di ko akalaing ganyan kalandi si Jethro. Psh!

Aalis na lang ako dito. Naaalibadbaran ako sa mga mukha nila.

Tumayo ako at lalabas na sana ng bahay nang…

‘’JB, saan ka pupunta?’’ Tanong ni Mashie.

‘’Papahangin lang’’ Sagot ko saka lumabas ng mansyon. Saan naman kaya ako pupunta?

Natigil ako sa paglalakad nang may mapansin akong babae sa bench. Wait, familiar siya sa akin. Lumapit ako sa babaeng nakaupo sa may bench at di nga ako nagkakamali, kilala ko nga siya.

‘’Keira!’’ ‘’Bentley!’’ Sabay naming bati sa isa't-isa.

‘’Long time no see! I thought you're in Japan? Why are you here?’’ Tanong ko sa kanya. Tumayo naman siya at naglakad. Sinundan ko lang siya.

‘’I missed you’’ Sagot niya.

‘’Just because of that?’’ Tanong ko.

‘’Uhh, I want to visit tita, tito, and Kysler also’’ Sabi naman niya sabay ngiti. Wow, ang ganda ganda pa din talaga niya. Wala siyang make-up o kahit anong kolorete sa mukha pero she’s really beautiful.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon