The Seven Worst #39 [Unexpected Accident]

642 6 0
                                        

The Seven Worst #39

[Isabella Sandoval’s POV]

Pagkagising na pagkagising namin ay may nakahain ng pagkain sa mesa. Sabi ni auntie buhay prinsesa’t prinsipe daw kami hangga’t nandito siya. Bale, isang linggo kami hindi gagawa ng gawaing bahay. Premyo na din daw niya dahil sa pagbabati-bati namin. After namin kumain ay pumasok na kami sa school. Naiwan si auntie dun at si Dimples tapos yung ibang maids.

Hanggang ngayon, bumabagabag pa din sa utak ko yung sinabi ni Kiel kagabi. Hayy, ano ba kasi yung Aishiteru etche etche na yan?

Pagkadating namin sa school ay kinulit ko si Kiel kung ano ba ang ibig sabihin nun pero ayaw niya sabihin. Alamin ko daw dapat. Lumipas na ang breaktime at lunch pero di ko pa din alam ang ibig sabihin ng Aishiteru Zutto na yan.

‘’I’m sorry’’ Sabi ko sa lalaking matangkad na nabunggo ko. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino siya at... SWAKPAK. Pag minamalas ka nga naman o-oh. ‘’Isabella..’’ tanging nasabi niya.

‘’Hi, Aaron’’ Nagulat naman siya sa pagbati ko sa kanya dahil nga malapad ang ngiti ko.

‘’I miss you’’ Sabi niya na may pilit na ngiti. Pagkatapos niya sabihin yun ay nilagpasan na niya ako. Masakit pa din, may kirot pa din sa puso ko. Ang hirap pa din kasi tanggapin na wala ng kami. Pinikit ko ang mata ko at tumakbo papuntang classroom.

‘’Oh, Isabella’’ Bungad sa akin ni Kiel pagkaupo ko sa upuan ko. Dun na siya umupo ulit since bati na kami. Nginitian ko na lang siya at hiniga ang ulo ko sa desk.

[Donnalyn Ramos’s POV]

Bati na ngayon sina Kiel at Isabella. Wala na talaga akong pag-asa kay Kiel. Ayoko na umasa. Basta kung saan siya masaya, masaya na rin ako. Siguro hanggang kaibigan lang talaga kami at yun ang kailangan kong tanggapin. Siguro hindi talaga si Kiel ang para sa akin. Siguro may iba pang lalaking magmamahal sa akin at mamahalin ko rin. Siguro hindi pa ngayon, maghihintay ako…

Ito na ang bagong yugto ng mga buhay namin. Sa pangalawang pagkakataon ako nga pala si Donnalyn Ramos. Simpleng babae lang ako. Masayahin at minsan nang nagmahal ng isang lalaking walang ibang ginawa kun'di mambabae. Pero kahit na ganon siya, hindi mo aakalaing magseseryoso siya sa isang babae na dahilan ng pagbabago niya.

‘’Donna! Tara na, lutang ka nanaman dyan’’

‘’Pasensiya na. Sige, una na kayo’’

‘’Sure ka?’’

‘’Yeah’’

‘’Sige, byebye!’’ Sa mga iniisip ko di ko man lang namalayan na uwian na pala namin. Ako na lang ang tao dito sa classroom.

After 30 minutes na pag-upo dun ay dumiretso na ako sa parking lot. Natanaw ko naman ang kotse namin dun at agad akong sumakay.

‘’Hi, mano---teka, bago po kayong driver?’’ Hindi naman kasi siya yung driver namin eh. Baka pansamantala lang siya. Tapos naka-shades pa kaya di ko mai-dentify yung face.

‘’Ah, opo. May sakit po kasi si kuya ko.’’

‘’Teka, manong. Nakainom po ba kayo?’’

‘’Ah... Opo, ma’am.’’

‘’Nako, wag po kayo magdrive ng lasing.’’

‘’Hindi ako lasing. Nakainom lang po.’’ Wala na akong nagawa dahil pinaandar na niya yung sasakyan.

‘’Ah, manong, dahan dahan lang po sa pagd-drive kasi baka po mabangga tayo’’ Mahinahong sabi ko kay manong na naka-shades. Unti-unti naman niyang tinanggal ang shades niya at..

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon