The Seven Worst #34
[Greyson Santos’s POV]
Nandito na kami ngayon sa school, at as usual hindi pa rin kami nag-uusap ni Kiel. Ganun din naman sila ni Isabella. Ang lamya nga ni Isabella ngayon eh, walang nakalagay na kahit kapirasong make-up sa mukha niya. Tapos napansin ko hindi nag-uusap sina Vera at Mashie. Nagkaaway din daw sila sabi ni JB eh? Puro away. Maganda ‘to. Mwahahahaha!
Hindi ako nagparamdam ng tatlong araw dahil nagdate kami ni Stacey. Tsaka lagi ako andun sa bahay nila. Buti na nga lang at mga yaya lang niya andun, hindi kasi nila alam na ako yung Greyson na hate ng mommy niya. Fred kasi ang pakilala ni Stacey sa kanila. Ang panget nga eh.
‘’Greyssssssoooon bebe!’’ Yak naman ‘to si Stacey. Pinagtitinginan tuloy kami. Bebe kasi ang tawag sa akin. Well, kami na kasi. Kahapon lang.
‘’Stacey naman eh. Bakit bebe?’’ tanong ko nang makalapit na siya sa amin. Kasama ko sila JB ngayon at papunta na kami sa room.
‘’May angal ka? Stacey bebe ang itawag mo sa akin ha? Pag hindi maghahanap ako ng ibang tatawag sa akin nun’’
‘’Aish! May magagawa pa ba ako, STACEY BEBE?! Tsk tsk’’ Tapos sumabay na siya sa amin maglakad. Bakit ba nagustuhan ko ang isang ‘to?
‘’Bye bye, Greyson bebe! Kita tayo mamaya. Mwah’’ Sabi niya nang makarating kami sa classroom namin nila JB. Sigaw pa talaga. Badtrip naman eh.
‘’Bebe pala ah. Hahahaha!’’ sabay na tumawa sina Jethro at JB. Sinamaan ko na lang sila ng tingin at dumiretso na sa classroom.
‘’Goodmorning, class’’ Bati ni Ms. Caballero, adviser namin. Tumayo naman kami at nag-greet. Pero syempre di pa tapos.
‘’Ma’am’’ tawag ko kay Ms. Caballero. Napatingin naman siya sa akin
‘’Yes, Mr. Santos?’’
‘’Tawag po kayo ni principal’’ Ganun talaga ang tawag ko sa mga principal. Ayoko sila tawagin sa pangalan eh.
‘’Ngayon na daw?’’ Tumango naman ako at pumunta na siya ng principal office. Hahaha! Pahiya siya niyan. Wahahaha! Buti nga. Uto-uto kasi.
Maya-maya dumating na siya ng may maitim na aura.
‘’Mr…SANTOOOOOOOOOS! GO TO THE GUIDANCE COUNCILOR’S OFFICE! NOOOW’’ Sigaw niya na halos pumutok na yung damit sa sobrang galit.
‘’Okay, fine, whatever. Bye ma’am’’ Sabi ko at nagwave pa sa kanya. Binigyan niya lang ako ng malupit na death glare. Nakakatamad kasi magklase kaya naman naisipan kong sa guidance na lang total close ko naman yung guidance councilor eh. Suki kami ni Jethro dun.
Pagkarating ko ng guidance coucilor’s office ay pumasok agad ako. May nakita akong babaeng nakaupo dun habang nakaharap kay Ms. Lewis--yung guidance councilor namin.
‘’Oh, Mr. Santos.Welcome back!’’ Bati sa akin ni Ms. Lewis. Napalingon naman yung babae at…
‘’Hi, Greyson bebe!’’
‘’STACEY? Anong ginagawa mo dito?’’
‘’Alam ko kasing mag-guidance ka kaya sinamahan kita’’
‘’Ang sweet pala ng girlfriend mo eh. Eto ang first record niya’’ Napahilamos na lang ako ng mukha ko sa sinabi niya.
‘’Nagkaron ka ng first record para lang masamahan ako dito? Ano ka ba naman, Stacey?!’’ Grabe naman talaga ‘tong babaeng ‘to. Haayyss!
‘’Correction, STACEY BEBE!’’
‘’Aish! Fine, STACEY BEBE’’ Wala na akong nagawa kun'di maupo na lang. Mga 2 hrs din kaming nandun dahil 2 hrs ang oras sa amin ni Ms. Caballero. While si Stacey naman 2 hrs kay Ms. Ginoo.

BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Teen FictionPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...