The Seven Worst #29 [A fight between them]

783 4 0
                                    

The Seven Worst #29

[Ezekiel Del Valle’s POV]

Natapos na kaming kumain ng dinner at ganun pa din. Naghaharutan at sobrang sweet pa din nina Aaron at Isabella. Kanina pa nga sila tinutukso dito eh pero sila natatawa na lang. Ako? Ayun, snob na lang. Minsan nakakapagod din magselos. Kailangan ko na gumawa ng move. Kelangang malaman ni Isabella na hindi talaga siya gusto ni Aaron. Kelangan mamulat na siya sa katotohanan. Sasabihin ko sa kanya yun maka-tsempo lang ako.

‘’Bella, uwi na ako ah? Ingat ka’’ Pagpapaalam ni Aaron kay Isabella. Andito kasi kami ngayon sa living room. Ako si Isabella at Aaron. Oo, alam ko chismoso ako. Kanina ko pa nga sila sinusundan eh. Pag pupunta silang kitchen kunwari may kukunin ako. Pag pupunta silang dining kunwari iinom akong tubig. Pag pupunta naman silang living room kunwari manonood ako ng TV. Mukha namang hindi sila nakakahalata kasi wala silang pake. Nagsasarili silang dalawa eh.

‘’Uwi ka na agad?’’ Pacute naman ‘tong tanga na Isabellang ‘to.

‘’Oo eh, baka kasi hinahanap na ako ni mommy. Magagalit yun kapag ginabi pa ako.’’

‘’Mommy’s boy ka talaga. Kaya mahal kita eh.’’ Natigilan naman si Aaron sa sinabi ni Isabella. Medyo nag-iwas siya ng tingin. ‘’May problema ba?’’ Inosenteng tanong ni Isabella. Grabe, di man lang siya makahalata.

‘’Wala, sige mauna na ako! Bye. Thanks na din’’ Tapos lumabas na siya ng bahay. Bakit ba napakaengot ni Isabella?

Aakyat na sana siya sa taas nang magsalita ako.

‘’Sigurado ka bang mahal ka din ni Aaron?’’ Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi ko na ‘to kelangan patagalin. Kelangan ko nang sabihin sa kanya ang nalalaman ko.

‘’What are you talking about?’’ nagtataka niyang tanong at lumapit sa akin.

‘’Di pa ba obvious? Halata namang walang feelings sayo si Aaron eh’’

‘’Ano bang sinasabi mo? Tingin mo sasama sa akin si Aaron kung di niya din ako gusto? Tingin mo mapapatawad niya ako sa nagawa kong kasalanan kung hindi niya ako mahal?’’ Halatang nainis siya sa sinabi ko. Pero kelangan kong maging prangka ngayon.

‘’Porke’t ba sinamahan ka niya eh gusto ka na niya? Porke’t ba pinatawad ka niya eh mahal ka niya talaga?’’ Natahimik naman siya sa sinabi ko. ‘’Hindi ka mahal ni Aaron. Maniwala ka sa akin, Isabella’’ Mahinahong sabi ko habang nakahawak sa magkabilang balikat niya.

‘’Don’t …Don’t touch me!!’’ Bulyaw niya sa akin saka ako tinulak. ‘’Akala ko ba kaibigan kita, Kiel? Pero bakit mo sinasabi ang mga ‘to?! Bakit mo sinisiraan si Aaron sa akin?! Ha?! So sinasabi mo na nagpapakatanga ako sa kanya ha?! Sinasabi mo na ang bobo ko para maniwalang mahal niya ako!? Ganun ba ha?! Ha?!’’ Tapos tinulak  niya ulit ako.

‘’OO! TANGA KA! TANGA TANGA TANGA! TANGA KA ISABELLA! HINDI PA BA OBVIOUS HA? HINDI KA GUSTO NG AARON NA YUN! NAGPAPAKATANGA KA SA KANYA. TANGA KA KAS---‘’

Magkabilang sampal. Magkabilang sampal na natanggap ko sa taong mahal ko. Magkabilang sampal na natanggap ko sa taong pinoprotektahan ko. Sa totoo lang, hindi masakit ang sampal niya eh. Okay lang na masampal ako ng kahit sino basta wag lang siya. Pakiramdam ko ang sama sama ko. Napasobra ata ako sa mga nasabi ko.

‘’Mag-ingat ka sa pananalita mo. Hindi mo kilala si Aaron kaya wag na wag mo siyang sisiraan sa akin’’ Pagkatapos nun ay tumakbo siya paakyat sa 2nd floor. Nanatili naman akong nakatayo dun. Nasasaktan ako, sobra.

Naupo ako sa sofa at napasabunot sa buhok ko.

‘’Aish! Tanga! Tanga! Tanga mo, Kiel!’’ Sabi ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang buhok ko.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon