The Seven Worst #21 [The real story behind them]

867 6 0
                                    

The Seven Worst #21

[Stacey Morgan’s POV]

Eksaktong 8:00 a.m ay nakarating na ako kila Hisami. Pumasok ako sa gate at nakakapagtaka dahil iniwan nilang bukas yung pinto. Mga yun talaga. Baka nakawan sila nito eh.

Pumasok na lang ako tutal bukas na din naman ang pinto. Pagkapasok ko ay sinara ko din agad. Bakit parang ang dilim naman? May tao ba dito?

Binuksan ko yung ilaw at lumitaw sa akin ang natutulog na mukha ni Greyson. Humihilik-hilik pa nga siya eh. Nasan sila Hisami? Anong plano ba sinasabi niya? Ang sama pa nga ng pakiramdam ko eh.

Umakyat ako sa 2nd floor pero walang tao. Baka naman may binili sila?

Humiga muna ako sa katapat na sofa ni Greyson tapos nag-sideview ako. Bale kitang-kita ko yung mukha niya. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog hanggang sa nakatulog na din ako.

‘’Araaay’’ daing ko habang nakapikit pa rin. Para kasing may kumukurot sa akin. Natutulog yung tao eh. ‘’Aray!’’ Napabangon naman ako sa pagkakahiga dahil sa lakas ng kurot sa akin. Hindi ko maidilat ng maayos yung mata ko dahil kulang pa yung tulog ko. ‘’SHETE! NATUTULOG AKO!!’’ Inis na sigaw ko. Hihiga pa sana ako nang may magsalita.

‘’Anong ginagawa mo dito?’’ Napamulat naman ako ng mata. ‘’Greyson?’’ Nasa harapan ko siya ngayon at salubong nanaman ang kilay niya

‘’Anong ginagawa mo dito?’’ ulit pa niya at halatang naiinis na.

‘’Pinapunta ako ni Hisami dito. Tiningnan ko sa 2nd floor pero sarado lahat ng rooms kaya naman nahiga muna ako dito kasi medyo masama pakiramdam ko.’’ Paliwanag ko sa kanya. Tumayo naman siya at sinipa yung bola na nasa harap ko. Napapikit naman ako.

‘’SHET! SET UP ‘TO!’’ Sabi niya sabay punta sa pinto at binuksan yun. ‘’NAKA-LOCK! NI-LOCK TAYO DITO. Kaya pala andito ako sa sofa. Eh kanina nandun ako sa kwarto ko! Shet! Di man lang ako nagising!’’ Inis na sabi niya habang sinisipa yung pinto. Nakaramdam naman ako ng takot.

‘’Greyson, tama na! Wala tayong magagawa kundi maghintay na dumating sila’’ Sabi ko habang nakayuko.

‘’It’s all your fault. Kung di ka sana nagpaawa kila Mashie hindi sila gagawa ng set-up! Hindi sana tayo mal-lock dito! Bakit ka pa kasi bumalik sa buhay ko?!’’ Galit siya. Galit na galit siya habang sinasabi yun.

‘’Sorry. I didn’t meant to hurt you. I’m just scared na…’’ Ayokong sabihin na sinasaktan ako ni Mommy. Ayokong magbati kami dahil sa naawa lang siya sa akin. Oo, pinagbubuhatan ako ng kamay ni mommy tuwing nalalaman niyang sumasama ako kay Greyson.

Magkagalit kasi ang mommy ni Greyson at ang mommy ko. Sinabi sa akin yun ni mommy, pero sa pagkakaalam ko hindi yun alam ni Greyson.

‘’Tsss.’’ Yun na lang ang nasabi niya at umupo na sa sofa sabay bukas ng TV. Ako naman nakaupo pa din. Hindi nga ako makagalaw kasi naiilang ako sa kanya eh.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin.

‘’Aish! 12:00 na. Ang tagal nating nakatulog. Marunong ka ba magluto?’’ Dahil sa biglaang pagsasalita niya napa-Oo ako ng di oras. ‘’Magluto ka ng tanghalian natin’’ Sabi niya sabay tingin ulit sa TV. Omo! Hindi ako marunong. Bakit ba kasi ako napa-Oo eh? Ano nang gagawin ko? Ayoko namang bawiin yung sinabi ko kasi baka mainis siya lalo sa akin.

‘’Egg and hotdog na nga lang’’ Sabi ko sa sarili ko. ‘’Pero pano..." Dugtong ko pa habang pinagmamasdan yung hotdog at egg sa harapan ko.

Alam ko na! Mags-search na lang ako sa cellphone ko.

[Isabella Sandoval’s POV]

Kanina pa kami nandito ni Kiel sa Jollibee. Tinitipid kasi namin yung 1000 na binigay ni JB. Worth it pala yung pagkukulit namin kasi nabigyan pa kami ng pera. Sino ba namang hindi maiirita sa ingay naming diba?

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon