The Seven Worst #4
[Mashie Hisami Mohasco's POV]
Tulad kahapon, si Dimples ang gumising sa aming pito. Ang lakas lakas parang new year tuwing umaga dito sa bahay. Ginawa ko muna ang morning rituals ko then ni-ready na ang mga gamit ko. Aaminin ko, excited ako ngayon pumasok, as always. Di ako katulad ng ibang students na tamad mag-aral. Actually, I love school. Yun lang kasi libangan ko.
After ko maligo at magbihis kinuha ko na ang backpack ko at naglakad na pababa para kumain ng breakfast. Nakita ko naman silang lahat na nakahandusay sa sofa.
''A-anong nangyari?'' Takang taka na tanong ko.
''Di nakapagluto ng breakfast si Isabella. Ang tagal kasi kumilos'' Inis na sabi ni Ezekiel.
''Haha! Ako nakakakain ng breakfast!'' Pagmamalaki ni JB.
''Bakit di mo kami sinabay?'' Inis na tanong naman ni Ezekiel.
''Hindi ko na responsibilidad yung pagkain niyo 'no. Kay Isabella kayo magreklamo!'' Sagot naman ni JB.
''So selfish'' Bulong ni Jethro, Di naman narinig yun ni JB.
''Ang aga ko nga ginising si Ate Isabella eh. Tapos ang tagal bumangon!'' Sabi naman ni Dimples habang nakanguso. Ang cute.
''Ah'' Sagot ko naman sa kanila.
''Speaking of Dimples, siya maiiwan dito mag-isa? Papasok tayo eh'' Sabi naman ni JB.
''Onga 'no'' Sang-ayon naman ni Ezekiel.
''Sabi sa akin ni mommy ko sama daw ako sa inyo. Iiwan daw ako sa principal's office. Nakausap na daw niya yung principal'' Paliwanag naman ni Dimples. Ang cute talaga niya.
''Pano na 'to?! Mamaya maya dadating na yung driver oh! Di pa tayo nakakapagbreakfast'' Iritang sabi ni Vera.
''Siguro sa school na lang tayo kakain'' Pangunguna naman ni JB.
''May pera ba tayo? Hindi pa nga nabibigay yung weekly budget eh'' Sabat naman ni Greyson.
''The eff! Onga pala, Hindi pa nagiiwan ng pera si Aunt Valerie!'' Sabi naman ni JB habang napasabunot na lang sa buhok niya.
''Good morning, guys!'' Napalingon naman kami sa nagsalita, si Isabella. Ang ayos ayos niya ngayon. De make-up pa.
''Hoy babae, baka nakakalimutan mo na ikaw magluluto ng breakfast! Nakapagpaganda ka tapos di ka nakapagluto!'' Inis na sita sa kanya ni Greyson. Nanlaki naman ang mata ni Isabella at napatakip ng bibig with poise.
''Shocks! I forgot it. I'm sorry.'' Sabi ni Isabella na may pagka-sarcastic.
''Pinaalala ko yun sayo, Ate Isabella ah'' Sabat naman ni Dimples. Tinakpan na lang niya yung bibig ni Dimples at ngumiti sa amin.
*beep* *beep*
Nagkatinginan kaming lahat. Feeling ko pare-parehas ang mga iniisip namen. Andyan na si Manong Driver. Dali-dali kaming lumabas ng mansion. May nakita kaming limosin doon, Binuksan nu'ng driver ang bintana at tumingin sa amin. Si JB ang nasa harapan kaya siya yung kinausap nu'ng driver.
''Hijo, nakalimutan ibigay ni Ma'am Valerie ito. 'Yan daw ang monthly budget niyo. 100,000 yan. Osya, Sumakay na kayo'' Sabi ng driver. Dali dali naman kaming pumasok sa sasakyan.
''Hahatiin natin ang pera'' Diretsong sabi ni JB. Nahihiya man ako magsalita, pero ako na lang ang tumutol.
''That's so selfish, JB. Kailangan natin tipirin ang pera dahil pang 1 buwan yan. Dyan natin kukunin lahat pati na din ang gastusin sa bahay. Hindi natin yan hahatiin! Si Isabella, magastos siya. Pano na lang pag naubos niya agad yung pera? We need cooperation. Wag ka maging selfish'' Mahabang paliwanag ko kay JB. Gulat naman ang iba dahil first time ko magsalita ng ganun kahaba.
''I don't care kung magastos sila, I need my money'' Nagulat ako sa pagsasalita ni JB. Hindi naman siya ganyan. Ayan na ba ang hidden attitude niya? Isang sakim?!
''Majority wins. Sino panig kay JB?'' Tanong ko sa kanila. Nagtaas ng kamay si Vera at Isabella.
''So, The rest panig sa akin. I won. Hindi natin paghahatian ang pera'' Diretsang sabi ko kay JB, nanlisik naman ang mga mata niya sa akin. Ganyan ba siya? Akala ko ba kaibigan ko na siya? Ano nangyayari sa kanya ngayon? Kung tratuhin niya ko parang kaaway.
[Jett Bentley Dion's POV]
Napaka-pakielamera naman pala ni Mashie! Akala ko ba kaibigan ko siya?! Bakit siya tumututol sa desisyon ko?! Ayoko pa naman sa lahat ay natatalo ako! Mula ngayon ayoko na siyang kaibiganin! Section 1 pala siya, tapos ako sa section 2 lang. Matalino ako! Pero bakit section 2 lang?! Pati ba naman dito may kaagaw pa din ako? May karibal pa din ako?! Nakakasawa na!
Malalayo nga ako sa kapatid ko, pero may pumalit naman sa posisyon niya!
[Mashie Hisami Mohasco's POV]
''Andito na po tayo'' Sabi nu'ng driver. Dahan-dahan naman kaming bumaba. Pagpasok naming ng gate, center of attraction kaming lahat.
Diba yan si Isabella Sandoval? Yung anak ng successful na business man at business woman here sa philippines?
Oo nga 'no, dito pala siya mag-aaral? Nice.
Andito din pala si Ms. Hisami Mohasco!
Diba magaling kumanta 'yan? Sikat siya sa youtube eh!
Hindi naman ata siya nage-entertain ng fans eh
Wow, si Vera tol! Ang ganda niya sa personal.
Onga no, mukha siyang model. Sayang nga lang at hindi pa siya pinayagan ng magulang niya mag-model.
Sino yan? Ang gwapo naman niya!
Shete, Ang g-gwapo at ang g-ganda!
Ang gaganda at ang gagagwapo naman ng transferees
Halo halong comments/compliments ang naririnig namin habang papasok kami ng school. Mukha tuloy kaming artista.
''Hi, girls!'' Napalingon naman ako sa tabi ko. Nakita ko si Ezekiel na nakikipaglandian sa mga babae. What's new, mukha pa lang playboy na.
Napahinto kaming lahat sa paglalakad nang may lumapit sa amin/ Isang babaeng mukhang chismosa. Nag b-beautiful eyes siya kay Jethro.
''Uhm, mukha kasing group kayo ng mga famous! I'm sure magiging popular kayo dito. Anong name ng group niyo?'' Malanding tanong niya kay Jethro.
''Miss, Hindi kami grupo. Nagkataon lang na naninirahan kami sa iisang bahay for private matters. Pero kung makulit ka, tawagin niyo na lang kaming TSW'' Napalingon naman kaming lahat kay Jethro.
''TSW? What the heck are you saying?'' Tanong ni Vera sa kanya.
''The Seven Worst. Yun ang pangalan na itatawag niyo sa amin'' Sabi ni Jethro saka na nagstart maglakad. Ang cool niya ha.
Sinundan na lang namin si Jethro.
<3 <3 <3
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Ficção AdolescentePitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...