The Seven Worst #11 [Jethro the war freak]

938 8 2
                                    

The Seven Worst #11

[Mashie Hisami Mohasco]

Pagkatapos kong magluto pinuntahan ko na sila sa living room. Nandun pa din sila sa pwesto nila kanina. 

''S-sabi mo.. w-wrong turn ang papanoorin natin.." Nauutal na sabi ni Vera.

''B-bakit.. h-hindi naman nakakadiri yun.. n-nakaka... UWAAAAAHHHHH!!! I hate you, Mashie. Sobrang aatakihin ako sa pinanood ko kanina. Hindi naman ako makatayo sa upuan ko kasi natatakot din ako! Huhuhu'' Naiiyak na sabi ni Isabella. Kahit sila JB din sobrang natakot eh, Hahaha! Hindi naman kasi wrong turn ang pinanood namin. Basta, secret na yun.

''I can't believe this. Sa isang horror movie lang pala ako maduduwag'' Sabi ni JB na tulala pa din hanggang ngayon.

''HAHAHA! Ano ba, di kayo makaget-over ah. Di naman siya masyadong nakakatakot. A bit lang naman. Tara na, ready na yung dinner.'' Pag-aaya ko sa kanila. Sumunod naman sila sa akin.

''Guys, bakit ba mga nakabusangot kayo?'' Tanong ko sa kanila na nagpipigil ng tawa.

''TINGIN MO MATUTUWA KAMI SA PINANOOD MO SA AMIN?'' Medyo pasigaw na sabi sa akin ni JB.

''Sorry na nga, kain na tayo'' Sabi ko sa kanila. Nagkaphobia ata sila dahil sa akin, sobra kasing nakakatakot yung pinanood namin. 

''Onga, guys. Kalimutan na natin yun. Kainan naaa!'' Sabi ni Greyson. Kanina nakabusangot din yan pero nagbago bigla ng aura dahil nakaharap na sa pagkain. Sumunod naman sila kay Greyson at nagstart na kumain.

Aish! Di pa pala nakakakain si Jethro. Lutuan ko na nga lang siya mamaya. Saan nanaman ba kasi nag-suot yon? Lagi na lang umaalis ng bahay.

Tumayo na ako at nagsimula na maghugas ng pinggan. Pagkatapos ay umupo muna ako saglit sa sofa at nagpahinga. Si Isabella at JB lang ang nadatnan ko dun. Malamang nasa mga sariling kwarto nila sila Greyson, Ezekiel, at Vera.

Maya-maya ay may malakas na katok kaming narinig.

Nagulat naman kaming tatlo at medyo kinabahan. Dali-dali kong binuksan ang pinto, pagkabukas na pagkabukas ko ay biglang natumba sa akin si Jethro. Inalalayan ko naman siya agad.

''My gash, what happened to him?!'' Natatarantang tanong ni Isabella. Duguan kasi si Jethro, may sugat sa gilid ng labi at may sugat pa sa ibang parte ng katawan. Basta, madami. Nakakaawa nga siya tingnan eh. Halatang sinadya yung ginawa sa kanya. Ano ba nangyari dito? I'm sure hindi siya makakapasok bukas. 

Inupo ko muna siya sa may sofa at dali daling kumuha ng first aid kit. Pagkatapos ay kumuha na din ako ng ice bag at nilagyan yon ng yelo. Buti na lang at marunong akong gumamot ng sugat.

Umupo ako sa tabi ni Jethro at pinunasan ng dahan-dahan ang sugat sa gilid ng labi niya. Malapit ang mukha ko sa kanya kaya naman ramdam ko ang bawat paghinga niya. Naghahabol na siya ng hininga, ikaw ba naman sa kalagayan niya eh di ka ba mahihirapan.

''Isabella, pakihawakan naman nitong icebag, idikit mo lang sa may bandang noo niya na may sugat.'' Utos ko kay Isabella, sinunod naman niya yun at kinuha ang ice bag na hawak ko at dinikit sa may noo ni Jethro.

Nagulat naman kami nang biglang dumating si Vera galing sa taas at napasigaw.

''My Gash! What happen?!'' Panic niya sabay lapit sa amin.

''Di pa ba obvious? Nabugbog ako'' Kalmado pero nahihirapang sagot ni Jethro. Di na lang yun pinansin ni Vera.

Patuloy ko lang pinupunasan ang dugo sa mukha niyang parteng nasugatan. Hinawi ko ang buhok niya na nakapagpapaharang sa mukha niya. Ngayon ko lang napansin.. ang gwapo pala ni Jethro.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon