The Seven Worst #18 [Meet his bestfriend]

860 5 0
                                    


The Seven Worst #18

[Mashie Hisami Mohasco's POV]

''Jethro'' Tawag ko kay Jethro habang nanonood siya ng TV.

''Bakit Mashie?'' Tanong naman niya.

''Wala naman. Gusto ko lang malaman kung ikaw ba naglagay ng chocolate sa may side table ko?'' Tanong ko sa kanya. Meron kasing naglagay ng isang box ng Ferrero Rocher sa side table ko and ang tanging clue ko lang dun ay si Jethro. May letter pa nga siya eh.

This is just a thankyou gift. Hope you'll like it 
From: J

Ayan yung nakalagay tapos may 'J' sa dulo. Si Jethro lang naman ang natulungan ko eh. Tsaka sigurado akong siya magbibigay nun.

''Kelan mo natanggap?'' Tanong niya.

''Kagabi lang'' Sagot ko naman.

''Wala akong maalala na binigyan kita ng chocolates eh. Baka naman hindi ako yun'' Sagot niya. Hmm, I'm sure nagsisinungalung 'to. Ayaw niya siguro ipaalam na siya nagbigay kaya naman 'J' lang ang nakalagay sa letter.

''I know it's you. Pero thanks talaga dun! Sobrang saya ko. Favorite ko ang ferrero eh'' Sabi ko sa kanya.

''Hin--'' Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sumigaw si Greyson.

''Andyan na si Manong Driver sa labas. Tara na!'' Pagkasigaw nun ni Greyson ay dali-dali akong lumabas ng mansion.

[Jett Bentley Dion's POV]

Aish! Akala niya si Jethro nagbigay ng chocolate! Bakit ba nakalimutan ko na 'J' din ang umpisa ng pangalan ni Jethro. Tsaka alam kong hindi niya iisiping ako yun kasi nga lagi ko siyang inaaway. Tae naman oh! Teka--Ano naman kung akala niya si Jethro yun? Bakit ako sobrang affected? Hay. Eh, syempre, ako bumili non.

''Anjan na si Manong Driver sa labas. Tara na!'' Natigilan ako sa pag-iisip nang sabihin yun ni Greyson. Naglakad na ako patungo sa sasakyan.

''Mash, hindi talaga ako yung nagbigay nun, Promise!'' Sabi ni Jethro sa kanya.

''Ano ka ba naman, Jethro. Hindi naman ako magagalit 'no, sobrang saya ko nga eh!'' Nakangiting sagot naman sa kanya ni Mashie. Nako naman! Napakaengot naman nito ni Mashie. Tinatanggi na nga ni Jethro pilit pa din nang pilit.

''Hay nako! Yae na nga'' Yun na lang ang nasabi ni Jethro. Ikaw ba naman eh, ayaw kang paniwalaan di ka ba mapapagod?

''Andito na po tayo'' Sabi ni Manong Driver. Bumaba naman kami agad ng kotse at naglakad na papasok ng school namin.

''Una na ko sa inyo. Bye!'' Sino pa ba magsasabi niyan? Edi si Mashie na engot. Di pa din ako makamove-on sa chocolate thingy na yan. Ang engot-engot kasi niya eh.

''Mash, hatid na kita sa room niyo'' At sino ba sa tingin niyo magsasabi niyan? Tsss, edi si Jethro pasikat.

''Nako, wag na!'' Pagtatangi naman ni engot.

''Sige na'' Sabi ni pasikat sabay kuha ng bag ni engot. Hindi naman nakatanggi si engot at naglakad na sila paalis.

''Dumadamoves si Jethro ah'' Sabi ni Greyson nang makalayo sila Mashie.

''I think gusto ni Jethro si Mashie. Diba Vera?'' Sabi ni Isabella sabay tingin kay Vera.

''Ah, yeah'' Sagot naman ni Vera.

''Sus, obvious naman sa kilos ni Jethro eh'' Sabat naman ni Kiel. 

''May sakit ka ba, Vera? Nananahimik ka nanaman eh'' Sabi ni Isabella. Napatingin naman kami kay Vera. Medyo namumutla nga siya eh.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon