The Seven Worst #8
[Vera Smith’s POV]
3:00 p.m
‘’Yes! Nakauwi din ng bahay sa wakas!’’ Masayang sabi ni Greyson sabay talon sa sofa at nahiga.
‘’May homework ba tayo?’’ Tanong ni Isabella sa akin habang nakatingin sa bag niya. May kinakalkal ata.
‘’Yeah, sa Biology lang’’ Sagot ko naman habang nakaupo at kinukuha ang notebook ko. Gagawin ko na ang assignment ko para wala na akong gagawin at makapagpahinga na.
‘’Okie. Thank you!’’ Sabi niya sabay takbo paakyat sa taas.
Habang nagsusulat ako, napatingin ako sa harapan ko. Nasa may lamesa kasi ako habang nakaupo.
‘’Mashie, bakit ang daming papel? Para san yan?’’ Tanong ko sa kanya. Ang dami kasing papers tas may mga envelope pa.
‘’Ano kasi, pinaprint ko yung assignments ko. Teka, asan na ba yung kasunod nito?’’ Tanong niya sa sarili niya. Halata namang pursigido siya sa studies niya. Napatingin ako sa baba ng upuan ko, may papel. Inabot ko yun sa kanya.
‘’Shie, baka iyo ‘to?’’ Sabi ko saka inabot sa kanya yung isang bondpaper.
‘’Ay, ito nga yung hinahanap ko. Thanks!’’ Sabi niya tsaka na nagsulat.
‘’Pursigido ka talaga sa studies mo huh?’’ Tanong ko sa kanya.
‘’……’’ Nice.. Nagtatanong ako eh. ‘’Nice talking ha!’’ Sigaw ko. Natigil naman siya sa pagsusulat at tumingin sa akin.
‘’Baket?’’ Inosenteng tanong niya. Halatang di niya ko narinig.
‘’Tinatanong kita kung ‘pursigido ka dyan sa pag-aaral mo’ tapos di ka sumagot’’ Sabi ko sabay roll ng eyes. Nakasanayan ko na yun eh.
‘’Ah, ganun ba. Actually, hindi naman sa pursigido ako… sa gan'tong paraan kasi ako nage-enjoy and ito ang pinagkakaabalahan ko aside sa pagbabasa ng libro. Pasensya na kung di ko nasagot tanong mo kanina, di mo talaga ako makakausap ng matino kapag nagfofocus ako sa isang bagay.’’ Sabi niya sabay ngiti. Napangiti naman ako.
‘’No, it’s okay. Sige ituloy mo na yan’’ Pagkasabi ko nun tinuloy naman niya ang ginagawa niya. Mas makakasundo ko ata si Mashie kesa kay Isabella eh. Simpleng simple lang kasi si Mashie lalo na sa pananamit niya. Nakasuot lang siya ngayon ng jogging pants at isang mahabang t-shirt pero bagay na bagay sa kanya. Wala ka talagang makikitang arte sa kanya.
‘’Ahm, Mashie’’ Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin.
‘’Ganyan ka ba talaga manamit?’’ Tanong ko. Medyo curious kasi ako, syempre babae siya kaya nagtataka ako kung bakit walang maarte sa katawan niya. Tumingin muna siya sa suot niya sabay tingin ulit sa akin.
‘’Yeah, magaling ako sa fashion pero di ako nagsusuot ng mga pangkikay na damit. Actually madami akong damit na tulad kay Isabella sa bahay namin. Mahilig kasi ako bumili ng mga damit na uso kaso di ko sinusuot. I don’t know pero naa-awkward ako manamit ng ganon. Aside from that may mga kasama tayong boys dito kaya naman mahirap na kung magsuot ako ng shorts..’’ Napanganga naman ako sa sinabi niya. May punto nga naman siya, kaya siya balot na balot.
‘’Ah, yeah. I understand’’ Yun na lang ang naisagot ko. Ngumiti na lang siya sa akin, ngumiti naman ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
‘’Ikaw shie, di ka pa tapos?’’ Tanong ko sa kanya habang bitbit ang bag ko. Tapos ko na kasi gawin 'yung assignment ko.

BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Teen FictionPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...