The Seven Worst #43 [CRUSH]

652 6 0
                                    

The Seven Worst #43

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

English time na namin ngayon. Pangalawa sa last subject namin. Lutang pa din ang utak ko ngayon sa nangyari kay JB. Kasalanan ko kaya nangyari 'yon.

‘’Ms. Mohasco is there something wrong?’’ Napatingin naman ang buong klase sa akin nang kausapin ako ni Mrs. Fortalejo.

‘’Uhh, headache..’’ Okay, nagsinungaling ako. Yun na lang naisip kong palusot eh. Mapagkamalan pa akong baliw kapag sinabi kong ‘wala’ eh kanina pa ako pukpok nang pukpok ng ulo ko.

‘’Okay. You’re excused. Go to the clinic na.’’ Tumayo na ako at lumabas ng classroom.

‘’Baka naman lumabas na utak mo niyan kakapukpok mo sa ulo mo.’’ Napatingin naman ako sa nagsalita sa gilid ko habang naglalakad ako sa hallway. Sino naman ‘to?

‘’Sino ka?’’

‘’For real? Hindi mo ako kilala?’’

‘’Itatanong ko ba kung alam ko..’’ Bulong ko na lang.

‘’Ha?’’

‘’Wala. Sabi ko, di kita kilala’’ Tapos tinuloy ko yung paglalakad ko. Sumunod naman siya sa akin.

‘’I’m Jazz Angeles. Nice to meet you, Ms. Hisami’’

‘’Pano mo ko nakilala?’’ Ano bang klaseng tanong yan, Mashie? Malamang sikat ka sa internet.

‘’Syempre sikat ka, ikaw talaga’’ Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Yung totoo? Are we close?

‘’Ah, okay’’ Sagot ko na lang at pumasok na sa clinic.

"Anong problema, miss?" Tanong ng nurse.

‘’Uhh, headache. I just want to take a rest’’ Sabi ko sabay abot ng excuse letter.

‘’Maghanap ka na lang dyan ng gusto mong higaan. Lahat yan bakante.’’ tumango ako at pumunta sa pinakadulong bed at nahiga.

"Ano naman kayang gagawin ko dito? Hindi naman ako inaantok." Sabi ko sa sarili ko. Mukhang nababaliw na yata ako.

‘’Kwentuhan tayo’’ Napatayo naman ako sa pagkakahiga nang may magsalita. I’m sure dito yun galing sa right side kasi wala namang tao sa left side ko dahil nga pinakadulong bed na ‘to. Binuksan ko yung curtain at…

‘’What are you doing here?’’ Tanong ko sa Jazz ba yun? Basta yung kumausap sa akin kanina.

‘’Masakit din ulo ko’’

‘’Tsk’’ Tapos sinara ko na yung kurtina niya at nahiga na sa bed ko. Kung tatanungin niyo ako sa itsura niya, gwapo tapos matangkad na parang basketball player. I think mas matanda siya sa akin. Mas matured kasi siya tingnan pero nangingibabaw pa din talaga yung ka-gwapuhan.

‘’2nd year ka diba?’’ Sabi niya bigla.

‘’Ya’’ Matipid na sagot ko habang nakapikit.

‘’Oh, child abuse na pala ako ngayon’’ I heard him chuckles. Di ko alam itsura niya ngayon dahil nga may nakaharang na kurtina sa pagitan namin.

‘’What do you mean?’’ Tanong ko naman.

‘’4th year high school na kasi ako’’

‘’Oh? Tapos?’’

‘’Nagka-crush ako sa isang 2nd year student.’’

‘’Eh sino ba crush mo?’’

‘’Slow ka din no? Malamang ikaw’’ sabay tawa niya.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon