The Seven Worst #6 [Behind his selfishness]

1K 10 2
                                    

The Seven Worst #6

[Isabella Sandoval’s POV]

Time check / 5:00 p.m

Andito ako sa kwarto ko ngayon, nakahiga at nag-iisip. Hanggang ngayon lutang pa din ako sa nangyari kanina.

‘’Aish!’’ Sabi ko sabay pukpok sa ulo ko.

Bakit ko ba kasi nasabi na Ex ko si Aaron! Ang tanga-tanga mo talaga, Isabella! Hindi ka nag-iisip! Argh!

Nagtataka siguro kayo kung sino yung ex ko? Siya si Aaron Villaflor. 1st year highschool ako nu'ng maging kami, kaso 2 months lang ang tinagal naming dalawa dahil sa kagagawan ko.

Isa akong spoiled brat. Wala akong pinapahalagahan sa buhay ko, Naging selfish din ako at never nakaappreciate ng mga efforts ng ibang tao sa akin. May mga kaibigan naman ako, actually madami sila. Pero kung wala akong pera, I’m sure na wala sila sa tabi ko. Meron din akong mga naging boyfriend nu'ng 1st year ako.

Dahil nga sa mayaman ako, lahat ng gusto ko nakukuha ko. Sinusulot ko ang lalaki kahit may girlfriend na gamit ang pera ko. Pakiramdam ko kasi 'yun lang naman ang gusto ng mga tao, ang pera. Binabayaran ko sila para sa kaligayahan ko. Alam kong masyado pa akong bata nu'ng time na 'yun, kaya ganon na lang ako kung mag-isip.

Pero nu'ng dumating si Aaron sa buhay ko, naramdaman ko ang tunay na pagmamahal. 'Yung feeling na pinagmamalaki ka niya sa lahat. 'Yung feeling na tanggap ka niya kahit sobrang sama ng ugali mo. Pero 'yung mga kabaitan na 'yun ni Aaron sinira ko. Nu'ng kami pa ni Aaron, nagkagusto ako sa isang gwapo at sikat na lalaki. Siguro dahil sikat siya kaya napag-interesan ko siya. Nagtwo-time ako hanggang sa nalaman ko na lang na alam na ni Aaron ang ginagawa ko. Kaya nakipag break siya sa akin.

Sobrang nasaktan ako nu'ng nakipag-break siya. Pero ayoko namang balikan siya dahil kagagawan ko naman ang lahat kung bakit niya ako iniwan. Hindi ako nakuntento sa isa. Naging makasarili ako! Si Aaron, lahat ng babaeng umaaligid sa kanya iniiwasan niy. Lahat ng pagkakamali ko pinagbibigyan niya. Lagi niya akong sinusuyo kahit ako ang may kasalanan. At higit sa lahat, NAPAKALAKI NG TIWALANG BINIGAY NIYA SA AKIN. Pero lahat 'yun sinira ko!

Mula nu'ng nagbreak kami ni Aaron, nabalitaan ko na lang na nagbago na siya. Mahilig na siya makipag-away at wala na siyang sineseryosong babae. Kadalasan pa nga daw pangalan ng girlfriend niya ay Isabella. Papalalimin niya ang nararamdaman ng babae sa kanya hanggang sa iiwan niya na lang 'yun. Sobrang guilty ako, Hindi naman mangyayari sa kanya 'yun kung hindi ko siya sinaktan! Nagsisisi na ako, gustong gusto ko siya kausapin!

Buti na lang at parehas kami ng school ngayon. May chance na makausap ko pa siya. Sana mapatawad niya pa ako.

Because until now, I still love him..

*Knock* *knock*

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at inayos ang sarili ko bago buksan ang pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Ezekiel na may dalang pagkain.

‘’Eto yung dinner mo, oh. Mukha kasing wala kang gana bumaba kaya dinalhan na lang kita ng pagkain’’ Sabi niya sa akin without any expression.

‘’S-salamat’’ Sabi ko habang nakayuko. Ayokong mahalata niya na umiyak ako. Sobrang pula na kasi ng mata ko.

‘’What happen? Bakit nakayuko ka?’’ Tanong niya sa akin.

‘’Wala. Iwan mo na ko’’ Sabi ko sabay sara ng pinto.

[Mashie Hisami’s POV]

‘’~Siguro, umiibig kahit di mo pinapansin!♫♪ Magtitiis na lang ako, magbabaka sakaling ika’y mapatingin. Kahit sa panaginip ikaw lang ang aking hinihiling, sa bawat ngiti mo sa panaginip ko parang ayoko ng magising!~~♫♪’’ Andito ako sa kusina, naghuhugas ng pinagkainan namin at kinakanta ko ang isa ko pang paboritong kanta. 

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon