The Seven Worst #22 [Akin ka na lang]

816 4 2
                                    

The Seven Worst #22

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

Nakarating na kami sa mansyon. Naabutan naming tulog sina Stacey at Greyson. Si Greyson nakaakbay kay Stacey tapos si Stacey naman nakapatong yung ulo sa dibdib ni Greyson. Ang sweet diba? Sabe na eh, gagana ‘tong plano ko.

Sina Ezekiel? Ayun ang saya saya kasi nakapagliwaliw silang dalawa ni Isabella. Nabanggit na din ni Jethro yung about sa amin.At ayun, para silang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa. Hanggang ngayon nga inaasar pa din kami.

‘’Sabi na eh, magiging lovers talaga si Mash tsaka si Jethro’’ Sabi ni Kiel habang inaayos yung mga pinamili namin kanina.

‘’Tumpak! May Jethro, Mashie na may Stacey,Greyson pa! San ka pa? Baka si Vera naman tsaka JB. Wahaha!’’ Natatawang sabi ni Isabella.

‘’Malabong mangyari yun. Tsss’’ Sabay na sabi nina Vera at JB. Ang lamya nilang dalawa.

‘’Bakit naman malabo?’’ Tanong naman ni Isabella.

‘’Hindi namin gusto ang isa’t isa at may iba akong gusto’’ Sabi ni Vera saka umalis.

‘’What’s wrong with her? I’m just kidding. Tss!’’ Sabi naman ni Isabella saka bumalik sa ginagawa niya.

Natapos na kami sa pagliligpit ng mga napamili namin. Si Greyson hinatid si Stacey sa bahay nila. Wala naman yung parents ni Stacey sa bahay nila eh. Maids lang yung nagbabantay sa kanya dun. Sina Ezekiel at Isabella, nag-aaway nanaman about dun sa slave thingy? Utos daw kasi ng utos si Kiel kay Isabella. Si Vera naman nasa kwarto niya, mula nung inasar ni Isabella hindi na nagpakita. Si JB? Ayun, tulog. Napagod siguro kakasaway kina Isabella. Si Jethro? Andito ngayon sa living room kasama ko. Nangungulit. Ganto pala feeling ng nililigawan.

‘’Mash..’’ Napalingon ako kay Jethro na kasalukuyang katabi ko.

‘’Bakit?’’ Tanong ko sa kanya habang nakatingin.

‘’Horror movie ka siguro’’ Nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

‘’Horrorrr…. Hihihi! Bakit mo naman nasabi?’’

‘’Kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita kita’’

‘’Ah, hehe’’ Eh sa wala akong masabi eh.

‘’Mashie…’’ Lumingon ulit ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti.

‘’Bakit?’’ Tanong ko ulit.

‘’Dalawang multo ka ata eh?’’

‘’Dalawang multo. Ako? Bakit naman?’’

‘’GHOST-TWO kasi kita eh’’ natawa naman ako.

‘’Ah, hehe. Ganon?’’ Wala ako masabi.

Nanood na lang ulit ako ng TV. At for the third time! Tinawag nanaman niya ako. Lumingon naman ako.

‘’Babanat ka nanaman?’’ Tanong ko sa kanya.

‘’Ano eh.. uhm..’’

‘’Ha?’’ Takang sabi ko.

‘’Gusto kong magnum’’ Sabi niya. Nagningning ang mga mata ko.

‘’Ice cream. Chocolateeeeee. Mahilig ka pala sa magnum? Bakit naman nagustuhan mo yun?’’ Tanong ko habang nakangiti sa kanya.

‘’Para ako ang MAGNUMber one sa puso mo’’ Sabay wink. Ako naman, nga-nga! Banat pala yun.

‘’Grabe, banat ka nang banat. Akala ko pa naman gusto mo talaga ng magnum’’ Sabi ko sabay pout.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon