PROLOGUE

1.8K 17 1
                                    

P     R     O    L    O    G    U     E

Mashie Hisami Mohasco also known as Anti-Social

Matalino at lubos na pinagmamalaki ng pamilya Mohasco. Almost perfect na ito. Lahat nasa kanya na. Ang kagandahan, kasikatan, at katalinuhan. Kaya naman maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya. Pinadala siya sa mansyon ng pamilya Velasco upang matutunang makisalamuha sa ibang tao. Ang pagiging Anti-Social niya ang problema ng kanyang mga magulang dahil ni minsan ay hindi pa ito nagkaroon ng kaibigan.

Vera Smith also known as Maldita

Galing din sa isang mayamang pamilya. Maganda siya at labis ding nakakaakit ngunit sa kabila ng kanyang kagandahan ay ang kanyang masamang ugali. Wala siyang sinasanto at sobrang matapobre. Dahil sa kanyang pangit na ugali, madalas sabihin na ampon lang siya dahil malayo ang kanyang ugali sa kanyang mga magulang at dahil doon kaya siya pinadala sa mansyon ng pamilya Velasco.

Isabella Sandoval also known as Spoiled Brat

Sikat ang kanyang pamilya bilang isa sa mga magagaling na negosyante sa buong Pilipinas. Di maipagkakailang sikat ang kanilang pamilya. Isa din sila sa listahan ng mga mayayamang pamilya sa Pilipinas. Kaya naman, naging spoiled brat si Isabella. Lagi niyang nakukuha ang kanyang gusto gamit ang pera. Ni hindi na rin nito pinapahalagahan lahat ng bagay dahil waldas lang ito nang waldas ng pera. Ito ang pino-problema ng kanyang magulang dahilan para turuan ng leksyon ang kanilang anak at pinadala ito sa mansyon ng mga Velasco.

Jett Bentley Dion also known as Selfish

SAKIM. Yan si Jett Bentley. Ayaw niya ng may makakatalo o makakaangat sa kanya. Gusto niyang siya lagi ang nasa itaas. Ngunit sa kabila ng kanyang kasakiman ay puno siya ng kalungkutan dahilan kaya siya naging isang sakim. Matagal niyang ninanais ang atensyon ng kanyang magulang na lagi namang napupunta sakanyang bunsong kapatid na lagi siyang naaangatan. Kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay pinadala siya sa mansyon ng Velasco.

Greyson Santos also known as Bully

Laging disappointment ang binibigay ni Greyson sa kanyang magulang kaya naman hindi malapit ang loob niya rito. Lagi siya nakukumpara sa iba't ibang klase ng tao. Sa kaibigan, pinsan, anak ng kasosyo ng kanyang magulang, at higit sa lahat sa kanyang kapatid. Hindi pa niya naranasang maipagmalaki ng kanyang magulang kaya naman lahat ng galit niya ay binubuhos niya sa pambubully sa kanyang mga nakikilala.

Ezekiel Del Valle also known as Casanova

Mula bata pa lang si Ezekiel ay lagi na niyang nakikita ang kanyang ama na nambababae. Tuwing ipapaalam niya 'to sa kanyang ina ay tila walang pake ito. Walang oras at panahon ang kanyang mga magulang sa kanya. Ang mommy niya lagi nasa trabaho samantalang ang daddy niya ay busy sa paghahanap ng mga babae. Tuwing nakikita niya ang ama niya na may kasamang ibang babae ay tila napakasaya nito kaya naman sinubukan niyang gawin iyon. Gusto niyang maging masaya na kahit kailan di niya naramdaman sa mga magulang niya.

Jethro Solomon also known as War Freak

Mula ng tumuntong ng 1st year high school si Jethro ay napabarkada na siya at nasali sa fraternity. Uuwi ito ng may mga galos at pasa sa buong katawan. Ito ang labis na pinagaalala ng kanyang ina. Strikto ang mga magulang ni Jethro sa kanya, alagang alaga siya nito. Hatid sundo kahit saan. Dahil doon nawalan ng kalayaan si Jethro. Hindi niya magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin dahil sa takot niya sa kanyang magulang. Kaya nagrebelde si Jethro at doon na nagsimula ang kanyang magulong buhay.

Makakaya kaya nilang magbago sa loob ng tatlong taon?

Magagawa kaya nilang mabuhay ng sila lang ang magkakasama?

At dito nagsisimula ang kwento ng THE SEVEN WORST

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon