The Seven Worst #28 [Jealous]

774 5 0
                                        

The Seven Worst #28

[Isabella Sandoval’s POV]

Kakatapos lang ng klase namin ngayon at papunta na kami sa bahay. Excited na ako. Papaganda ako ng bongga dahil dadalaw si Aaron sa mansyon. Niyaya ko kasi siya. Matagal tagal na din kasi siyang hindi nakakasama sa amin kaya namiss ko siya.

‘’Ngiting-ngiti ka dyan ah’’ Sabi sa akin ni Vera.

‘’Pupunta kasi si Aaron sa mansyon mamaya. Inaya ko siya eh."

‘’Tsss. Kahit naman magpaganda ka ganyan pa din itsura mo’’

‘’Epal mo. Wag ka nga makialam. Trip ko ‘to eh’’

‘’Epal mo. Wag ka nga mangialam. Trip ko ‘to eh"Sabi ni Vera habang ginagaya ang tono ng boses ko. Inirapan ko na lang siya

Maya-maya nakarating na kami sa bahay kaya naman dali-dali akong naghilmos at nagbihis.

After magpaganda ay bumaba na ako ng hagdan. Sakto namang nakaupo na dun si Aaron. Shocks! Ang gwapo niyaaaa.

‘’Aaron…’’ Tawag ko sa kanya habang nasa hagdan ako. Napatingin naman siya sa akin..

‘’Ang cute mo naman, Bella. Ang ganda ganda mo tingnan sa suot mo’’

‘’Thanks..’’ hindi ko maiwasang hindi mamula nang sabihin ko yon.

‘’Na-realize ko na mas gumaganda ka pala ngayon. Sigurado ako maraming nagkakagusto sayo ngayon kumpara dati’’

‘’Eh ikaw? Gusto mo ba ako?’’

‘’Ha? Ano, kain muna tayo. Nagugutom na ako eh’’

‘’Ah. Sige, tara sa kusina’’

[Ezekiel Del Valle’s POV]

‘’Aaron…’’ Napatingin kami sa nagsalita galing sa hagdan at… Woah. Ang ganda ganda ni Isabella.

‘’Ang cute mo naman, Bella. Ang ganda ganda mo tingnan sa suot mo’’ Papuri naman ni Aaron kay Isabella 

‘’Thanks..’’ Sagot ni Isabella na halatang kinikilig. Umupo siya sa tabi ni Aaron.

‘’Na-realize ko na mas gumaganda ka pala ngayon. Sigurado ako maraming nagkakagusto sayo ngayon kumpara dati’’ bolero amp.

‘’Eh ikaw? Gusto mo ba ako?’’ Natameme naman si Aaron.

‘’Ha? Ano, kain muna tayo. Nagugutom na ako eh’’ Pagbabago niya ng topic. Sabi na eh, wala ‘tong gusto kay Isabella.

‘’Ah. Sige, tara sa kusina’’ Sabi na lang ni Isabella na medyo nawala ang ngiti sa labi. Hayys, bakit kasi umaasa pa si Isabella?! Andito naman ako oh! Ako hindi ko siya iiwan. Hindi na nga ako nambababae eh. Nakakainis naman.

Pumunta ako ng kitchen at sinilip sila. Kunwari iinom ako ng tubig. Nakita ko naman silang sweet doon. Si Isabella pilit na sinusubuan ng cake si Aaron pero si Aaron naman ayaw at napapailing na lang. Kahit ako naiinis kay Isabella minsan eh, napakakulit kasi. Hindi ko nga alam kung saan ba nagmana yan.

‘’Isabella, saan ka ba nagmana? Ang kulit kulit mo!’’ Sabi ko sa kanya sabay inom ng tubig.

‘’Hindi ako makulit, sweet lang ako. FYI, May mas lalala pa sa ugali ko ‘no’’

‘’Aba, sino naman?’’ Grabe, may lalala pa pala sa ugali niya?

‘’Pinsan ko’’ Ah, pinsan naman pala niya. Di na ako magtataka

‘’Maganda ba yun?’’ Syempre para di ako mapaghalataan na may gusto kay Isabella. Baka isipin nakikialam ako diba?

‘’Hmm... I admit it, mas maganda siya sa akin. Pero mas masama naman ugali niya’’ Woah, maganda da---Ay! Tama na nga. Dapat stick to one ako. Dapat si Isabella lang.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon