The Seven Worst #27
[Jett Bentley Dion’s POV]
Andito pa din ako sa living room at nanonood ng horror movie. May cable kasi tsaka nagkataon na horror yung palabas. Ako lang naman ang andito sa living room kaya tahimik akong nakakanood.
‘’Wow…’’ Nabigla ako nang may magsalita kaya napalingon ako sa tabi ko.
‘’Nakakagulat ka’’ Inis na sabi ko kay Mashie. Bigla bigla na lang kasi susulpot.
‘’Uhm, sorry’’ Ayan nanaman siya sa payuko yuko niya.
‘’Bakit ka ba nakayuko tuwing kinakausap kita?!’’ Tumingin siya saglit tapos yumuko nanaman. Problema ba nito?!
‘’Naiilang kasi ako sa itsura mo’’ Ha? Ang weird din neto eh.
‘’Ano ba meron sa mukha ko?’’
‘’Naiilang ako tumingin sayo kasi masyado kang gwapo’’ Medyo natawa ako sa sinabi niya pero pinigilan kong hindi tumawa.
‘’Dahil lang dun? Ang OA naman.’’
‘’Uhm…sorry naman’’
‘’Bakit ka ba nagsosorry? Ang hirap sayo masyado kang mabait. Tss’’
‘’Hindi naman’’
‘’Ewan ko sayo, boring mo kausap’’ Sabi ko at tinuon na ang tingin ko sa TV.
‘’Di ko alam kung…kung bakit ka ba inis na inis sa akin? Ano bang nagawa ko sayo?’’
‘’Wala’’
‘’Wala naman pala, eh bakit ang sungit sungit mo?’’
‘’Masanay ka na dahil ganto talaga ako. Maiwan na nga kita’’ Aalis na sana ako nang biglang magring yung telepono. Sinagot ko naman yun at ni-loudspeak.
‘’Hello? ‘’
[Hello, JB! Where’s dimples?]
‘’Nandun kila Mrs. Aguilar. Gusto daw kasi siya makita ni Aldrich eh. Tutal umalis kami kanina, pumayag na kami’’
[Okay, sinong kasama mo dyan sa living room?]
‘’Si Mashie lang’’
[Okay, sunduin niyo na ni Mashie si Dimples sa bahay nila Mrs. Aguilar. Alam niyo ba kung saan yun?]
‘’Yeah’’
[Sige, pakisundo na lang siya ah? Bye.]
‘’Tara. Susunduin daw si Dimples’’ Nauna na ako maglakad sa kanya. Naramdaman ko namang sumunod siya.
‘’Walking distance lang ba ang papunta sa bahay nila Mrs. Aguilar?’’
‘’Oo’’
‘’Ang…tahimik’’ Hindi na niya siguro natagalan yung katahimikan na bumabalot sa amin. Kahit ako, naa-awkward eh.
‘’Manahimik ka na lang. Malapit na tayo’’ Inunahan ko na siya sa paglalakad. Bale nasa likuran ko na siya ngayon.
Maya-maya nakarating na kami kila Mrs. Aguilar. Nag-doorbell muna kami habang nasa gate. Lumabas naman ang isa sa mga katulong nila.
‘’Ano hong kailangan nila?’’
‘’Susunduin na namin si Dimples’’ Sagot ko sa katulong. Tumango siya at dumiretso sa loob ng bahay. Lumabas naman agad si Dimples kasama si Aldrich at si Mrs. Aguilar. Lumapit silang tatlo sa amin.
‘’Thank you ha? Sobrang nag-enjoy si Aldrich sa paglalaro nila ni Dimples’’ Sabi ni Mrs. Aguilar habang nakangiti sa amin.
‘’Wala pong anuman’’ Sabi naman ni Mashie
BINABASA MO ANG
The Seven Worst
Teen FictionPitong high school students ang ipinadala sa mansyon ng pamilya Velasco para baguhin ang kanilang mga ugali sa pamamagitan ng pamumuhay kasama ang kanilang kapwa teenager. Magawa kaya nilang magbago sa kabila ng kanilang mga ugali? Makakaya kaya nil...