The Seven Worst #38 [Aishiteru Zutto?]

667 3 0
                                    

The Seven Worst #38

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

It’s mondaaaaaay! Ang saya ko ata ngayon? Well, kasi nakausap ko nga si mommy kagabi. Hay! 2 months na din ‘tong pag-aaway away namin tapos dumagdag pa sina Jethro at JB. Napansin ko lang, ang taas pala ng mga pride namin. Kailangan na naming magbati-bati.

Pauwi na kami ngayon sa mansyon, half day lang naman kami kasi nga exams.

Ang tahimik ngayon, walang nagsasalita. Lahat magkakaaway-away. Ayoko ng ganto.

‘’Lagot kayo kay mommy ko. Nyenyenye!’’ Nanlaki ang mga mata naming lahat nang biglang magsalita si Dimples.

‘’What do you mean, Dimples?’’ Tanong ko kay Dimples.

‘’Well, uuwi siya sa bahay mamaya’’

‘’NAGREPORT KA?’’ Sabay sabay naming tanong.

‘’Yes. Ayaw niyo pa kasi magbati. Tsaka binigyan ko na kayo ng chance pero sinira niyo. Nag-away pa kahapon sina Kuya JB at Kuya Jethro. Lagot kayo kay mommy ko!’’

‘’Hayy, ano nang sasabihin natin kay auntie. Magagalit yun’’ Sabi ko habang nakayuko.

‘’Ano pa nga ba? Malamang yung totoo’’ Sagot naman ni Vera. Di ko na lang pinansin yun.

Maya-maya nakarating na kami sa mansyon at bumungad sa amin ang nakaupong si auntie at nasa likod niya ang dalawa niyang bodyguard. May mga maleta din dun. Oh my geeee. Ibig sabihin…

‘’Haro, Seven! Dito muna ako titira pansamantala. One week lang naman’’ bati ni auntie na hindi malaman ang aura.

‘’MOMMY KOOOO!’’ Sigaw ni Dimples sabay yakap sa mommy niya. Niyakap naman siya pabalik ni auntie.

‘’I missed you, Baby Dimples’’

‘’Amisyuuu too mommy kooo! Hihi’’ Tuwang tuwang sabi ni Dimples.

‘’Oh, Seven. Ano pa tinutunganga niyo dyan? Pumasok na kayo at magpalit na ng mga damit. May mga food ng naka-ready dun for your lunch’’ tumango na lang kami.  ‘’Oh, pasok na kayo!’’ Pumasok naman kami at lahat kami nakahilera sa harapan niya.

‘’Hmm…  balita ko nag-aaway away daw kayo?’’ Nag-iba ang aura ni auntie. ‘’SAGOT!’’ agad kaming nagsitanguan nang sumigaw siya. Nakakatakot siya!

‘’Dahil dyan, may punishment kayo dahil sa mga ginawa niyo. Greyson at Kiel kayo ang magluluto habang andito ako. Vera and Isabella kayo naman ang maglalaba. JB and Jethro kayo ang maglilinis ng bahay. And Mashie, magm-mall ka kasama sila Stacey, Donnalyn, at Keira. Nakilala ko sila kanina lang sa school niyo at na-kwento sa akin lahat ni Baby Dimples’’

‘’WHAT? MALL? TAPOS KAMI MAGPAPAKAHIRAP DITO?’’ Tutol ni Vera.

‘’Bakit? May kaaway ba si Mashie sa inyo? Ang pagkakaalam ko ikaw lang ang naghahanap ng away. Si Mashie lang ang umiiwas. Yun ang prize ko kay Mashie’’ Hindi naman nakapagsalita si Vera. ‘’Oh, magbihis na kayo at magsimula na kumain’’ Dali-dali naman kaming umakyat sa 2nd floor at dumiretso sa kanya kanya naming kwarto. Pagkaakyat nga namin, lahat sila nagdabog yung iba naman kung ano-ano sinabi.

[Valerie Velasco’s POV]

Grabe talaga ang stress na binibigay sa akin ng pitong batang yun. Actually hindi lang naman si Dimples ang nagk-kwento sa akin eh. Pati sila Donnalyn, Keira, at Stacey ay tinanong ko din about sa nangyayari sa pito. At yun nga, nagaaway-away silang lahat. Bilib talaga ako kay Mashie kasi umiiwas siya sa gulo wag lang mapalala. Thumbs up ako sa kabaitan ng batang yun.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon