The Seven Worst #15 [When I look at you]

906 4 6
                                    


The Seven Worst #15

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

Time Check

12:00 p.m

Kakatapos lang naming maglunch. Naalala kong wala nga palang pasok bukas. Magiging boring nanaman ako neto. Nakakaburyo naman. Gusto ko umalis.

*ting*

Alam ko na, aalis na lang ako mamayang gabi para mamili ulit ng chocolates total ubos na yung pinamili kong chocolates. Gabi na lang ako aalis. Wala ng makakapansin sa akin kasi wala ng gaanong tao. Mga around 9:00 p.m siguro para sure.

‘’Lalalalala!~’’ Napapasayaw na ako sa excitement. Babaw ko ‘no? Minsan lang kasi ako makalabas ng bahay ng ako lang mag-isa. At sa tingin ko yun ang tinatawag na privacy.

‘’Oh, saya mo ata Mashie?’’ Napatingin ako sa nagsalita. It’s Kiel.

‘’Wala naman’’ Sagot ko sa kanya sabay talon sa sofa.

‘’Huh? Eh bihira lang kita makitang ngumiti ng ganyan kalapad eh’’ Sabi naman niya sabay kamot sa ulo niya.

‘’Uhm… may bagay lang na nagpapasaya sa akin’’ Sabi ko naman kay Kiel. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

‘’Nagpapasaya?" sabay hawak sa noo ko. "Wala ka namang lagnat. Inlove ka ba Mashie?’’ Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

‘’Ewan ko sayo. Akyat lang ako sa taas ha?’’ Sabi ko sabay ngiti. Nako! Kahit kelan talaga si Ezekiel.

[Ezekiel Del Valle’s POV]

‘’Hanggang ngayon, napapaisip pa din ako sa sinabi ni Mashie eh. May nagpapasaya daw sa kanya?’’ Sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa baba.

‘’Jethro’’ Napalingon naman ako sa nagsalita. Si JB. Hilig niya talaga sumabat eh.

‘’Anong Jethro ka dyan? Si Ezekiel ako!’’ Sabi ko saka nagisip ulit. Binato naman niya ako ng unan. ‘’Aray ha! Masaket!’’ Reklamo ko habang sapo yung ulo ko na binato niya.

‘’OA mo. Tsss, what I mean is… Si Jethro yung tinutukoy ni Mashie’’ Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hmm, medyo close na sila ni Jethro. Di kaya, si Jethro yung nagpapasaya sa kanya?

‘’Oh noes, ikaw ang type ko para kay Mashie!’’ Sabi ko na medyo malungkot. Pero sa totoo lang ay inaasar ko si JB. Napapadalas na nga ang pang-aasar ko sa kanya eh. Binabatukan lang niya ko.

‘’Letche! Tumahimik ka kung ayaw mong sungalngalin ko yang bibig mo!’’ Sigaw niya sa akin. Napakapikon neto eh. Pero aasarin ko pa rin siya.

‘’Crush mo lang si Mash-----‘’ Di ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang bumaba mula sa hagdan si Mashie at nakatingin sa aming dalawa ni JB.

‘’Sinong crush ni JB?’’ Curious na tanong ni Mashie sa akin.

‘’Ah, yun ba-kndwjenfjasnkjfajk’’ Di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni JB ang bibig ko. Letche ‘to!

‘’Ang ibig niyang sabihin... ano.. crush ko si Mashmallow! Hehe!’’ Palusot ni JB. HAHAHAHAH! Mashmallow daw? Hahahaha! Pambihirang palusot yan.

‘’M-mashmallow?........ Pfft… Pfft…. HAHAHAAHAHHAHAHAHAHAAHA! Sorry JB… HAHAHAH! Hindi naman sa HAHAHAH tinatawanan ko ang pangalan ng crush mo! Hahahahah! Pero diba, pagkain yun? Hahah! Yung marshmallow? Di ko akalaing may pangalan palang MASHMALLOW. HAHAHAH!’’ Sabi ni Mashie. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganyan. Binitawan naman ni JB ang kamay niya kaya nakatawa na din ako.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon