The Seven Worst #2 [Jethro-Vera?]

1.1K 14 3
                                    

The Seven Worst #2

[Vera Smith's POV]

Time check: 1:00 p.m.

Nasan ako? Nasa kwarto ko. Magdamag akong nakahilata dito. Aaminin ko, ANG BORING TALAGA. Di ko alam kung ano nang ginagawa ng mga ka-housemates ko. Kumain na kaya sila? Tae, Nagugutom na ko!

Bumaba ako at pumunta ng living room. Si Isabella, Greyson, Ezekiel, at Dimples lang ang andito.

Si Isabella nanonood ng T.V, Si Greyson naglalaro ng PSP niya tapos si Ezekiel kalaro si Dimples. They look so close na ah?

''Uhm, Kumain na kayo ng lunch?'' MEDYO nahihiyang tanong ko kay Greyson.

''Di pa nga eh, Wala naman kasing marunong magluto samen'' Nagulat ako sa sinabi niya kaya di ko na napigilang mapasigaw.

''What??! Pano tayo mabubuhay sa loob ng 3 taon kung walang marunong magluto saten?! Hindi pa nga natin nakukuha yung monthly budget eh!!!'' Galit kong sabi sakanya. Napakunot naman ang noo niya.

''Bakit ka ba sakin nagagalit ha?! Kasalanan ko bang walang marunong magluto satin?!'' Inis na sabi niya saka umalis. Aba! May araw rin sakin yun. Ang kailangan kong problemahin ngayon eh ang pagkain KO.

''Kung ikaw na lang kaya magluto for us'' Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Isabella, yung nakasagutan ko kahapon.

''Wow ha? Edi sana kanina pa ko nagluto ng PAGKAIN para sa SARILI KO. Bwisit!'' Sabi ko tsaka ko siya nilayasan. Letche!! Wala na bang pagkain dito?

Pumunta ako sa kitchen at binuksan ang ref don. Ang daming laman... yun nga lang hindi luto. Hindi naman kasi ako marunong magluto.

Tumingin ako sa may cabinet na lalagyan ng canned goods. YES! May isang pang cup noodles! Kumuha ako ng upuan para abutin yun. Tumingkayad na din ako para makuha pero ang hirap. Tinalon talon ko yun hanggang sa naabot ko. Habang pababa ako ng upuan. Di ko namalayan na mahuhulog na pala ako. Nakaramdam ako ng kamay sa pagitan ng balikat ko. Tiningnan ko kung sino yun...

''Be careful next time, psh'' Inis na sabi ni Jethro saka kinuha yung cup noodles ko.

''H-hey! Ako unang nakakita niyan!'' Sabi ko habang hinihila ang dulo ng t-shirt niya.

''This is mine now, Bayad sa pagiging clumsy mo kanina!'' Sabi niya saka tinalikuran ulit ako. What? Clumsy ako? HA! Ang yabang pala neto eh.

''Akin na yan! Hindi ako clumsy, nagkataon lang na nadulas ako! Akin na yung noodles ko sabe eh! Ano ba!'' Inis na sabi ko habang kinukuha yung cup noodles sakanya. Tinataas lang niya ang kamay niya habang ako naman tumatalon para maabot yung cup noodles. Mas matangkad kasi siya sakin.

''JETHRO! AKIN NA KASIIIII!'' Inis na sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Habang ang isa niyang kamay nakataas hawak ang noodles. Nilapit niya ang mukha niya sakin sabay sabing..

'''Pag di ka tumahimik, Hahalikan kita!'' Sabi niya sabay bitaw ng kamay at naglakad paalis na may ngiting tagumpay. Nanatili akong nakatayo sa kinalalagyan ko. Letche siya!! ARGH!

Pumunta ako sa dining area at nakita kong kumakain na ng noodles si Jethro. Lumapit ako habang nakataas ang isang kilay. Napaangat naman ang ulo niya, pinagpapawisan na siya dahil sa kinakain niya. Kahit naka airconditioned kasi mainit pa din sa pakiramdam ang pagkain ng noodles.

''That's mine. Kinuha mo, you will pay for this!'' Inis na sabi ko habang nakataas pa din ang isang kilay.

''Diba sabi ko kung di ka tatahimik, Hahalikan kita *smirk*'' Sabi niya sabay tayo sa upuan. Napaatras naman ako, Kitang kita ko yung pawis na tumutulo sa ulo niya, Parang ang hot? Eww, no way!

''Wag ka nga lumapit saken! Eww.. tumutulo pa yung pawis mo oh!'' Sabi ko pa. Habang may nandidiring mukha.

"Napakamaldita mo talaga *smirk*'' sabi niya habang palapit nang palapit saakin. Atras naman ako nang atras hanggang napasandal na ko sa pader.

''Ano ba, Jethro! Hindi na 'to magandang biro ah!" Inis na sabi ko habang nilalapit niya ang mukha niya saken.

''Well, Binalaan na kita kanina Vera. Hindi ka sumunod..'' Sabi niya at palapit nang palapit ang mukha niya. 1 inch na lang. Napapikit na lang ako..

1

2

3

4

5

Dilat ng mata...

Ha! Letche siya mukha akong tanga na nakapikit dito tapos pagdilat ko wala na siya! Nakita ko na lang na nakatingin sa akin sila Isabella, Greyson, Dimples, at Ezekiel.

''Ano nangyari sayo Ate Vera? Bakit ka nakasandal jan habang nakapikit?'' Tanong ni Dimples.

''You look like crazy'' Sabi naman ni Greyson.

''Hahahaha! Daydreaming, Te?'' Sabi naman ni Isabella.

Argh! Mananagot talaga sakin yang Jethro na yan! Bwisit siya!

''SHUT UP!'' Inis na sabi ko sakanila tsaka ako umalis ng dining room. Nakasalubong ko naman si Mashie, JB, at Letcheng Jethro!

Tiningnan ko ng masama si Jethro sabay tingin kay Mashie.

''Where are you going?'' Tanong ko kay Mashie.

''Living room'' Maikling sagot niya. Her voice sounds nice.

''Why?'' Tanong ko sabay tingin kay JB.

''Uhm, nagpresinta ako na gumawa ng list ng household chores'' Sagot naman ni JB.

''Okay.'' Sabi ko sabay lakad papuntang living room. Nakita ko naman dun si Isabella, Greyson, Dimples at Ezekiel na nakaupo sa sofa. Umupo na din kaming 4 dun.

''Well, I need cooperation for this. Just now. Naglista na ako ng mga gagawa ng household chores. So, Wala na 'tong baguhan at sana naman wala nang umangal sainyo'' Paliwanag ni JB.

''Para sa maghuhugas ng pinggan at magluluto ay si Isabella, Vera, and Mashie. Sa umaga si Isabella, Tanghali si Vera at Gabi naman si Mashie. Ako naman at si Greyson ang magwawalis at maglilinis ng bahay. Si Ezekiel at Jethro naman ang maglalaba at mamamalantsa ng mga damit.'' Paliwanag ni JB. Tumutol naman ako.

''Kami ang magluluto? Eh hindi nga kami marunong eh!'' Tutol ko sakanya.

''Lahat tayo walang alam pagdating sa household chores. Magsearch kayo! Pare parehas lang tayo. Vera, Magluto ka na ng lunch natin. Late na oh!'' Sabi sakin ni JB tsaka na siya umalis. Letche! Ang swerte naman ni Isabella! Natakasan niya yung pagluluto ng breakfast.

''Argh! Itlog lang ang mailuluto ko! At hindi ko nga alam kung pano lutuin yun!'' Sabi ko saka pumunta ng kusina.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon