The Seven Worst #14 [His Anger]

949 4 1
                                    


The Seven Worst #14

[Mashie Hisami Mohasco's POV]

1 month na ang nakalipas mula nung nabugbog si Jethro. At bumalik nanaman si Vera sa pagmamaldita. Si Isabella naman madalas na kasama si Aaron. So it means, madalas namin kasama si Aaron. Minsan nga tumatambay pa siya sa bahay. Si Ezekiel naman parang hindi na nambaba-babae at napapadalas ang pananahimik. Si Jethro at Greyson, madalas ma-guidance. Pero buti na lang at mabait yung guidance councilor. Tsaka alam naman nung guidance councilor ang buong storya nina Jethro at Greyson dahil malapit na ang loob nila dun. Suki kasi ng guidance office kaya yon. Si JB nagiging matakaw na. Tsaka, sobraaaaaaaaang kulit. Ang cute nga niya pagmasdan tuwing nag-aaway sila ni Ezekiel. Basta lagi siya iniinis ni Ezekiel.

At ako? Ganun pa din. Hindi pa din ako masyadong malapit sa kanila. Lagi lang ako nasa kwarto ko, at minsan lang ako bumababa.

Andito kami sa school ngayon at kasalukuyang nagf-flag ceremony. After mag ceremony ay nag-announce muna yung principal. Si Mrs. Ramira Elise Aguilar. Mga nasa 30+ pa lang siya, namatay kasi ang mommy niya last year at sa kanya ipinaubaya ang school habang ang daddy niya naman ay namatay nung high school pa lang siya. May isang 6 year old boy na anak si Mrs. Aguilar which is John Aldrich Aguilar at siya ang nakakalaro ni Dimples nung naiiwan siya sa principal's office. Yung asawa naman ni Mrs. Aguilar ay may hinahawakan ding business. Nalaman ko lang naman 'to kay Isabella. Dakilang chismosa yun eh.

After ng announcements ay pinabalik na kami sa mga rooms namin. Then, back to regular classes ulit. 2 subject na lang ang natitira bago magbreaktime dahil nakain na ang 1st subject ng flag ceremony.

Benemenyen, dapat tinagalan pa yung ceremony

Oo nga eh, gusto ko pa mapagmasdan si JB

Siya ba yung isa sa member ng The Seven Worst?

Yes, and siya din ang pinakagwapo sa lahat ng boys dun.

Talaga? Si Jethro kasi type ko eh!

Ako si Ezekiel

Blah blah blah blah. Yan yung mga naririnig ko sa kanila nang sabihing pumasok na sa kanya kanyang room. Hayss! Malelende sila.

Buti may swimming class kami mamaya bago nagdismissal. Yun ang last subject namin ngayon eh. Yun kasi ang gustong gusto kong klase. Sakop ng MAPEH namin yun eh. Yaaaah! Excited na ko! Matagal tagal na din kasi ako di nakakapag miming. Diba nga nasa mansion kami ngayon tapos nasa 4th floor pa yung pool eh nilock yun ni Aunt Valerie.

Tik tak tik tak...

Tanging tunog lang ng orasan ang naririnig namin. May quiz kasi kami ngayon sa Filipino at eto ako tapos na. Madali lang naman kase eh, tsaka binilisan ko na din kasi MAPEH time na namen. Hehe!

''Class, pass all of your papers!'' Sigaw ni Ms. Lozeda sa amin. Nagsipasahan naman sila.

Pagtapos magpasa ng mga classmates ko ay nagdismiss na si Ms. Lozeda. Dali-dali akong lumabas at dumiretso sa locker room.

Pagdating ko dun, nagbihis na agad ako. Pagtapos ko magbihis ay pumunta na ako sa pool area, si Ms. Melasco pa lang ang nandon. Siya yung MAPEH teacher namin.

''Ms. Melasco!'' tawag ko kay Ms. Melasco. Napatingin naman siya sa akin.

''Oh, Hisami. Aga mo ata? Ikaw pa lang andito ah'' Sabi ni Ms. Melasco. Siya ang pinaka-close ko sa mga teachers ko. Kakagraduate lang kasi niya ng college kaya naman bata pa siya. Mga nasa 21 years old pa lang. Marunong din siya makisabay sa mga trip ng students.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon