The Seven Worst #12 [Kung ako ba siya?]

993 6 2
                                    

The Seven Worst #12

[Mashie Hisami mohasco’s POV]

‘’Ready na ang breakfast’’ Sabi sa amin ni Isabella. Andito kaming lahat sa living room, may pasok kasi kami. Actually, 5:00 a.m pa lang.  Si Ezekiel namamalantsa ng mga uniform namin. Hindi siya matulungan ni Jethro kasi dahil nga sa kalagayan niya. Dali-dali namang pumunta si Vera at Greyson sa dining area.

‘’Jeth, di ka muna papasok ha?’’ Sabi ko sa kanya.

‘’Kaya ko naman pumasok eh, tsaka di naman na masyadong masakit yung sugat ko’’ Sabi naman niya.

‘’Sure ka?’’ Paglilinaw ko.

‘’Ayos nga lang ako." sabay gulo ng buhok ko. "Tara na sa dining room?’’ Pag-aaya naman niya sa akin, ngumiti na lang ako at inalalayan siya maglakad papuntang dining.

[Nobody’s POV]

‘’Ayos nga lang ako." sabi ni Jethro sabay gulo ng buhok ni Mashie. "Tara na sa dining room?’’ Pag-aaya niya kay Mashie. Ngumiti na lang ito at inalalayan siya maglakad papuntang dining room.

Naiwan naman si JB at si Ezekiel sa living room.

‘’Jeth, di ka muna papasok ha? *ginagaya ang boses ni Mashie* Kaya ko naman pumasok eh, tsaka di naman na masyadong masakit yung sugat ko *ginagaya yung boses ni Jethro* Sure ka? *ginagaya ang boses ni Mashie*’’ Bulong ni JB sa kanyang sarili. ‘’Ang OA naman niya. Para namang mamamatay na si Jethro kung makapag-alaga. Tsss’’ Bulong niya ulit. Napalingon naman si Ezekiel.

‘’Ano binubusangot mo dyan, JB?’’ Tanong sa kanya ni Ezekiel habang nilalagay sa hanger ang mga uniforms.

‘’Wala! Nakakairita lang tingnan si Mashie, kala mo naman baby si Jethro. Todo kung mag-alaga’’ Inis na sabi ni JB habang dini-dribble ang bola.

‘’Nagseselos ka?’’ Tanong naman ni Ezekiel na may tonong pang-aasar. Napalingon naman siya at sinamaan ng tingin si Ezekiel.

‘’Hoy! Hindi ako nagseselos! Nakakairita lang kasi panoorin yung mga gano'ng bagay. Ang OA masyado’’ Depensa naman ni JB sa kanyang sarili.

‘’Naiinis ka, kasi nagseselos ka!~’’ Pangaasar pa sa kanya ni Ezekiel.

‘’Aba! Kanina ka pa ah!" sabay bato niya ng bola kay Ezekiel. "Letche! Sinabi nang di ako nagseselos!’’ Padabog na tumayo si JB sa sofa at dumiretso na sa dining room. Natatawa-tawa na lang si Ezekiel. Pagkaalis ng livingroom ni JB ay sakto namang pagdating ni Isabella galing dining room.

‘’Hi, Kiel! Na-plantsa na ba yung uniform ko?’’ Tanong ni Isabella kay Ezekiel. Naglaho naman ang ngiti ni Ezekiel sa kanyang labi at nagseryoso ito bigla sabay abot kay Isabella ng uniform nito.

‘’Mukhang excited ka pumasok ah?’’ Walang reaksyong tanong ni Ezekiel. Ngumiti naman ng malapad sa kanya si Isabella.

‘’Yes, of course! I’m so excited to meet Aaron na. I miss him so much!‘’ Sabi ni Isabella saka tumakbo paakyat sa 2nd floor.

Limang palapag kasi ang mansion ng mga Velasco kaso nga lang naka-lock na yung pinto sa 3rd floor pataas dahil andun na ang playroom, mini-spa, swimming pool at iba pa. Kaya naman sinara niya yun kasi alam niyang doon lang magpupunta ang Seven at hindi yon makakatulong sa pagbabago nila.

Natapos na nila lahat ng gagawin at aasikasuhin nila. Nailalakad na din ni Jethro ang kaliwang paa niya. Pero pilit pa din siyang inaalalayan ni Mashie.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon