The Seven Worst #45 [In love]

490 8 2
                                    

[JB's POV]

Lumipas ang mga araw. Ang Christmas, ang New Year, na kameng pito ang magkakasama. Wala pa din namang nagbabago sa samahan namin. Pero sa mga ugali namen, tingin ko may malaking improvement. Inaamin ko naging masaya naman ako sa piling nila. Halos magiisang taon na din pala.

February ngayon at bukas na ang tinatawag nilang 'Valentines Day'. May event kami bukas sa school. Nandito kami sa mansyon at kasalukuyang magkakasama sa living room. Si Dimples, namimiss ko na din. Nung New Year kasi umuwi sila Auntie dito, tapos pagbalik nila ng France kinuha na nila si Dimples.

Si Donna naman, yung kaibigan ni Kiel, ganon pa din, comatose pa den.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga housemates ko--o masasabing kaibigan ko din...

Si Isabella nasa isang sulok habang si Kiel naman nilalambing sya. Nagkatampuhan siguro silang dalawa. Akalain mo yun, halos 3 months na din pala silang mag-on.

Si Jethro naman nag-ggitara habang si Vera nakikinig lang sa kanya. Kung makangiti si Vera akala mo mapupunit na yung bunganga eh.

Si Greyson naman andito sa tabi ko, tulog. Lagi naman sya tulog eh, wala nang pinagbago.

Si Mashie naman nasa kabilang sofa at nagbabasa ng libro habang tahimik na kinakain yung chocolate nya.

Ang dami na din pala naming naranasan magkakasama. Nagkaaway-away kami, sumabak sa away, may nanganib na ang buhay, may nagkagustuhan. Napakadaming experience sa loob lamang ng isang taon.

Napatingin kaming lahat sa pintuan. Tumayo ako para buksan 'yon. Tutal ako lang naman ang walang ginagawa at lahat sila busy, ako na ang nagbukas.

Nakakita ako ng lalaking matangkad. Mas mataas siya sa aken. Kaso mas maputi ako sa kanya. Pero gwapo din sya.

"Good afternoon. Ako si Jazz. Dito ba nakatira si Hisami?" hinahanap nya si Mashie? Sino ba 'to?

"Oo. Dito nga. Ano kailangan mo sa kanya?"

"Pakitawag naman siya kung pwede? Salamat." tumalikod naman ako at tinawag nga si Mashie. Nagulat nga sya nung nabanggit ko yung pangalang Jazz.

Bumalik ako sa sofa at naupo. Pero nakatingin pa din ako sa pintuan.

"Good afternoon sa inyo" masayang bati nung Jazz pagkapasok nya.

"Ikaw pala, Kuya Jazz!" bati ni Isabella at lumapit nga kay Jazz. Sino ba siya?

"Bakit ka napadalaw, pre?" tanong ni Kiel.

"Tinatanong pa ba yan?" lumapit si Jazz kay Mashie at inakbayan si Mashie. "Syempre, pinunta ko dito yung crush ko" at natawa sya. Si Mashie naman napabuntong-hininga na lang.

"Ay, JB! Siya nga pala si Jazz Angeles, schoolmate natin sya. 4thyr H.S." pakilala ni Kiel.

"Yes! At JB, siya yung may crush kay Mashie. Ganda talaga ni Mashie 'no?" singit naman ni Isabella. Napatingin ako kay Jethro na tahimik na nag-gigitara sa sulok habang kasama si Vera.

"I'm JB" sabi ko habang diretsong nakatingin kay Jazz. Ngumiti lang ito sa akin.

Matangkad lang naman siya. Kung di sya matangkad malamang wala din siyang dating. Tsss.

"Mmm..." napalingon ako sa gilid ko. Buti naman at nagising na si Greyson. "Anong oras na?" tanong nya habang nagkukusot pa ng mata.

"Maaga pa. Matulog ka ule" walang ganang sabe ko. "Alas dos na ng tanghali, pagkatapos mo kumain ng almusal natulog ka kaagad. Buti di ka binangungot" dugtong ko pa.

"Dami mo pang sinasabe. Yung oras lang naman tinatanong ko" at tumayo na siya mula sa pagkakahiga at umakyat sa taas. Panigurado matutulog nanaman sya ulit. Ibang klase.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon