The Seven Worst #19 [She visit the Seven]

862 6 0
                                    

The Seven Worst #19

[Mashie Hisami Mohasco’s POV]

‘’Class, dismiss’’ Sabi ni Ms. Melasco saka lumabas ng classroom.

‘’Hisami!’’ Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.

‘’Uhm?’’ Tanong ko sa kanya. Si Stacey.

‘’Pwede ka ba mamaya? Papaturo na sana ako sa previous lessons natin’’

Pwede nga ba ako? Magluluto pa ako ng dinner eh. Baka kasi gabihin ako sa pagtuturo kay Stacey. 4:00 p.m na kasi ngayon eh.

‘’Hindi eh. Sorry ah? Baka weekends lang kita maturuan. Pero kung gusto mo sa bahay na lang tayo’’ Sabi ko naman sa kanya.

‘’Diba you’re living with Greyson? Baka magalit yun sa akin’’ Nag-aalangang sagot niya.

‘’Ako bahala! Tsaka hindi naman siya ang pakay mo eh. Tara na? Kanina pa sila nakauwi kasi 3:00 ang labasan nila. Naghihintay na yung driver sa labas’’

‘’Ah, sige’’ Sabi niya. Hinigit ko naman siya agad papunta sa parking lot.

Pagka-katok namin ay agad na binuksan ni Kiel ang pinto.

‘’Thanks, manong’’ Pang-aasar ko. Napataas naman ang isang kilay niya, hindi na-gets.

‘’Wala, slow mo." Sabay tingin ko kay Stacey. "Tara na?’’ Tumango naman siya at pumasok na kami sa living room. Aakyat na sana kami sa kwarto ko nang--

‘’Anong ginagawa niyan dito? Bakit ka nagpapapasok ng iba Mashie?’’ Bungad ni Greyson. Ang bitter.

‘’Hindi naman ikaw ang pakay niya dito.’’ Sabi ko saka hinigit si Stacey paakyat sa kwarto ko.

‘’Pasensya ka na kay Greyson ah. Siguro hindi pa talaga siya makapaniwala na nandito ka’’ Sabi ko sa kanya habang nagbubuklat kami ng libro.

‘’Naku, ayos lang yun. Naiintindihan ko naman siya’’ Sabi ni Stacey sabay ngumiti ng pilit.

‘’O, i-review mo yung lesson na binigay ko sayo. Tapos sabihin mo kapag tapos ka na para mapasagutan ko na sayo ‘to’’ Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at nagreview na.

30 minutes silence…

‘’Finish! Madali lang naman eh. Kasi napag-aralan na ‘to last year’’ Nakangiting sabi niya.

‘’Yes! Madali lang naman talaga kaya I’m sure makakaperfect ka sa exam’’ Sabi ko naman sa kanya.

‘’Thankyou talaga, Hisami. Friends na ba tayo?’’

‘’Ha? Ano kasi, hindi ko alam. Siguro kung hindi ako tumira dito hindi ako magkakaron ng kaibigan’’ Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

‘’Talaga? Anti-social ka?’’

‘’Ganun na nga. Feeling ko kasi mahirap magbigay ng tiwala, eh diba pag nagkaron ka ng kaibigan kailangan yung mapagkakatiwalaan mo?’’ Pagkasabi ko nun tumango naman siya.

‘’Yes, at yun ang hindi ko napatunayan kay Greyson. Hindi dapat niya ako pinagkatiwalaan’’ Sabi naman ni Stacey saka yumuko.

‘’Magkakaayos din kayo. I promise that I will do everything! Nanghihinayang kasi ako sa friendship niyo’’ Napangiti naman siya sa sinabi ko.

‘’Hindi mo naman dapat gawin ‘to eh. Sobrang bait mo naman! Salamat talaga, Hisami! Napakalaki ng utang na loob ko sayo’’

‘’Nye? Wag ka nga muna magpasalamat. Wala pa nga akong nagagawa eh’’ Sabi ko naman sa kanya. Natawa na lang kaming dalawa.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon