The Seven Worst #35 [The crying boy]

678 5 1
                                    

The Seven Worst #35


[Mashie Hisami Mohasco's POV]



Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang nangyari yung kila Greyson. Sobrang nalulungkot ako para sa kanila. Akala ko pa naman happy ending na. Nag-iiwasan lang sila lagi. Kung magkikita eh parang di sila magkakilala. Pero kitang kita ko yung pagmamahal ni Greyson kay Stacey. Alam kong pinipigilan lang niyang ilabas yun. Ilang linggo na din ang pag-aaway away namin. At ngayon, na-realize kong inlove na ako. Oo, na-realize kong may pagtingin na pala ako kay JB. Yun pala yung dahilan kung bakit sumasakit puso ko. Akala ko pa naman mamamatay na ko. Sheesh!


Masakit sa akin na nababalewala niya ako at laging nasasaktan emotionally.

Nandito kami ngayon sa mansyon at kakatapos lang namin kumain ng lunch. I think kailangan ko nang sabihin kay Jethro ang natuklasan ko. Ayokong paasahin siya lalo.


''Mash!'' Speaking of. Nakaakbay sa akin si Jethro habang may subong lollipop.

''Jeth—-''

''Nood tayo horror'' At ako naman 'tong si kuminang agad ang mata pagkarinig na pagkarinig ng salitang horror.

''Sige ba!'' Tapos hinatak ko siya papuntang living room. Kinuha ko yung CD ko na horror na di ko pa napapanood. Sinalang ko yun at naupo na sa tabi ni Jethro.

''Ano yung sasabihin mo, Mash?'' Tanong ni Jethro nang makaupo ako sa tabi niya.

''Ah, saka na. Manood muna tayo'' Ayokong makipagkwentuhan kapag nanonood ako ng horror.

''Ikaw bahala''


Nang matapos ang pinapanood namin, nakita ko ang takot sa mata ni Jethro. Nakakatawa talaga siya!


''Grabe, Mash. Nakakatakot yun ah''

''Di nga eh''

''Anong di nga? Sabagay, sanay ka na eh''

''Siguro nga''

''Oh, ano na pala yung sasabihin mo?'' Ay, oo nga. Yung tungkol pala kay JB kailangan ko nang sabihin sa kanya.

''Ano kas——'' Ok. Di nanaman ako natapos sa pagsasalita dahil biglang sumingit si Kiel sa usapan.

''Oy, Jethro! Tulungan mo na ko maglaba!'' sigaw ni Kiel.

''Ay, oo nga pala. Mashie, mamaya na lang ha? Maglalaba pa kasi kami ni Kiel eh'' Tapos umalis na sila. Bakit ba hindi ako natatapos sa sasabihin ko? Naman eh.

Tumalikod na lang ako sa kanila at naglakad. Pero nung pagkatalikod ko...  natapunan ako ng juice ni Vera.


''Oopss, sorry. Di ko sinasadya. Di bale, bagay naman sayo eh. Mukha kang basura'' Tapos tumalikod na si Vera paalis. Ibang klase pala siya makipag-away. Hayy, ayoko naman siyang patulan dahil away nanaman. Naga-away away na nga yung iba makikisali pa kami.


Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa nabasang T-Shirt ko. Aish! Labahin nanaman 'to.


''Bakit di mo man lang siya pinatulan?'' Napalingon ako sa nagsalita. Si JB.

''Ah, ayaw ko lang ng away'' Sabi ko habang nakayuko nanaman.

The Seven WorstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon