Chapter 8

2.1K 67 2
                                    

#BC3Cake

Max's POV


"Kyyyaaahh, ang galing mo talaga" di ko mapigilan ang sarili kong mamangha habang pinagmamasdan si Adrian sa pagbuo ng incubator.

Hindi niya lang ako pinansin at nagpatuloy lang sa gawain niya.

"Oh naghanda ako ng meryenda" pumasok si Tita sa kwarto ko na may bitbit na tray.

"wow Tita ano po yan?" tumayo ako at agad na lumapit sa kanya.

"Are you blind?" cold na tanong sa akin ni Adrian ng lumapit ito doon sa tray na inilapag ni Tita sa may study table ko.

"ahh ehh Max, donut yan. Ako mismo nagbake" pinapagaan ni Tita yung mood. Napatingin lang ako kay Adrian na kumuha ng donut at bumalik ulit sa ginagawa niya.

"Buti naman AJ tinutulungan mo si Max"

"Hindi toh tulong. She blackmailed me" cold na sagot niya ulit.

"uhmm" gusto kong i-defend ang sarili ko ngunit biglang nagsalita si Tita,

"asuss si AJ talaga ang hilig magpakipot"

"Ma.."

"Bayaan mo yan Max, ngayon ko lang yan nakitang tumutulong sa iba beside sa amin na family niya"

"In fact po Tita, hindi lang naman po ako yung natulungan ni Adrian. Nakita ko po siyang tumutulong din sa mga street children sa labas ng campus. Binibigyan niya ito ng mga pagkain at minsan tinuturuan niya po sila" pag-sha-share ko sa kanya na siyang ikinagulat niya.

"well I guess na mana niya din pala ang pagkahilig ng Papa niya sa pagtulong lalo na sa mga bata" masayang wika ni Tita.

Napatingin kami pareho kay Adrian na kasalukuyan pa ding nananahimik habang ginagawa yung project ko.

~

[Earlier that Day]

Pat's POV


"Patricia" narinig kong tawag sa akin ni lola na siyang agaran ko namang pagbaba mula sa kwarto.

"Po?" natigilan ako ng makita ko sina Mom and Dad na nakaupo sa may sala.

'Great, akala ko nakalimutan na nila ako. Buti napabisita sila' kahit masama yung loob ko sa kanila ay lumapit pa din ako at binati sila with all the smile in my face.

"Hi Mom, Dad. Napabisita kayo?" sabay lapit ko at nagmano sa kanila.

"we just drop by to check on you and your lola." nakangiting sabi naman sa akin ni Mom.

"How's school?" dagdag pa nito.

"I--" ako sana ang sasagot ng biglang saluhin ni lola yung tanong.

"She's doing fine"

"Fine!?" napatingin kaming lahat kay Dad na ngayo'y napatayo na mula sa kanyang kinauupuan. "Fine ba yung nasa section F pa din?!" napayuko naman ako.

"My Ghad Patricia! kailan mo pa ba aayusin yang grades mo! This is such a disgrace in the family na malagay ka sa lowest section!" galit na sabi niya sa akin.

"Dad..."

"Siguro mas nakakabuti kung ilipat na kita sa ibang school. Yung school kung saan matuturuan ka ng maayos!!"

"Patrick calm down" tumayo si lola at nilapitan ako. "Si Pat na nga lang ang nakakasama ko dito sa bahay, ilalayo mo pa!"

"But Ma, ayokong grumaduate yang batang yan mula sa section F! Ano na lamang ang sasabihin ng mga kasosyo ko sa negosyo?"

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon