#BC3MeetingTheGonzalez
Andria's POV
Nasa may garden ako ngayon dito sa bahay namin, inaasikaso ang mga halaman ko. Nag out of the country na naman kasi si Tony and since malalaki na din kasi yung mga babies ko, magisa na naman ako dito sa bahay. Di ko na halos nakakausap at nakakasama yung mga anak ko, kaya etong mga halaman ko na lamang ang nakakasama ko.
*frown*
Nakakalungkot lang talaga isipin, yung mga dating ang liliit at iyakin mong mga anak ay malalaki na at unti-unti ng binubuo ang kanilang magiging kinabukasan. Lalo na 'tong bunso ko.
Si Jhoey, unti-unti na din siyang lumilipad papalayo sa akin. Alam ko namang mangyayari at mangyayari ito pero parang sobrang bilis naman ata.
Hindi pa ako handang pakawalan sila.
Natatakot ako sa mga maaring kakaharapin nila, hindi ko sila kayang makitang nasasaktan.
I'm worried about Adrian, parang mas lalong tumatagal mas napapadalas ang pagpapaiyak nito kay Max, which is not good. Mabait na babae is Max and even though may pagkaclumsy ito, I know naman na maalagaan niya ang baby boy ko. Na magiging mabait na partner-in-life niya ito. Eh kaso, ewan ko ba sa batang toh at bakit tila dine-deny pa niya ang kanyang nararamdaman.
Kahit di naman niya sabihin, alam kong may nararamdaman din ito sa napaka clumsy yet bubbly na si Max.
Sana talaga maamin at matanggap na nito ang kanyang nararamdaman bago pa man mahuli ang lahat.
Si Jhoey naman, ang mahal na mahal kong bunso, Kahit di niya sinasabi ay mukhang may pinagdadaanan din ito.
Sa tingin ko pumapagibig na din ang isang toh.
Madalas kasi itong napapatulala sa kawalan. Pag-ibig lang naman ang nakakapagpapaganyan sa atin eh. Malabo namang magkaroon ng problema ito sa grades, matalino naman siya. Sa pera, binibigyan naman namin siya ng sapat na allowance. Pinalaki kong tama ang anak ko at alam kong wala din itong bisyo.
Ang dating isip bata na baby ko, mukhang unti-unti na din kasi itong nagmamature.
Sa kanya din ako pinakanag-aalala. Hindi sa nagiging racist ako, pero sa pagibig kasi hindi nagiging madali ito lalo na doon sa mga nasa third sex. Alam kong tibo si Jhoey, kahit di nman niya sabihin basang-basa ko naman sa mga kilos niya.
Mala-Tony version 2.0 lang ang peg niya.
Nasabi ko ito kasi marami pa din naman kasing mga taong hindi pa tuluyang natatanggap ang gender preference na ito.
Natatakot akong baka yung taong mamahalin ng anak ko ay di siya matanggap. Kung mamahalin man siya ay baka sa pamilya ng mamahalin naman siya sasabit. Ayoko siyang makitang umiiyak at nasasaktan ng dahil sa pag-ibig.
Ayokong makuha niya yung karma na ginawa ko dati kay Tony.
Wag sanang mangyari sa baby Jhoey ko.
Arf! Arf!
"oh, toby!" mabuti na din at andito si Toby. Isang pure breed Labrador na nakita ni Max at dinala niya dito sa bahay. Nakita niya kasi itong sugatan at magiisang taon na din itong andirito.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...