#BC3Misunderstanding
Jhoey's POV
After ko tumambay saglit sa may student lounge ay agad na akong umuwi, ewan nawalan ako ng ganang pumasok. 8PM pa yung training ko sa taekwondo org, kaya inilaan ko yung bakanteng oras ko para matulog.
A few minutes passed at nagising ako dahil sa katok na narinig ko.
Sumilip ako sa may peep-hole at nakita si Jessie na may dalang tupperware.
"Jhoey" nakangiting sumilip din ito sa may peep-hole. Nang pag buksan ko siya ay agad niyang inabot sa akin yung tupperware na sa tingin ko ay naglalaman ng carbonara.
"Bagong lipat ako sa isa sa mga unit dito doon may dulo ng hallway." sabi niya sa akin. "Nga pala pinagluto kita."
"salamat, pasok ka muna" pag-aya ko sa kanya.
"Ah Jhoey, kasi di na ako magtatagal."
"Ah ganoon ba.." napatingin ako sa kamay niya ng bigla nya itong hawakan, "may sasabihin din pala ako sa'yo. . ."
"ano yun?" sabay tingin sa kanya ng diretso.
"ahh, kasi, p-pwede ka 'bang pumunta sa unit ko this saturday?" tanong niya.
"saturday? hmm, birthday kasi yun ng Papa ko hindi ak--."
Biglang umaliwas ang mukha niya sabay singit, "--birthday ng Papa mo? Pwede ba akong sumama?" may halong excitement pa yung boses nito.
~
Mei's POV
Okay.
Hindi ko alam anong ginagawa ko dito, pero may kutob kasi akong kailangan 'kong makita si Jhoey ngayon.
Matagal-tagal na din kasi kaming hindi nagkikita, baka kung anong nangyari na dun sa mokong na yun.
OO. nagtatampo ako sa kanya pero kasi ako yung nangako na bibisitahin ko siya paminsan-minsan. Tutal wala na akong practice ngayon kasi this coming saturday na yung tournament kaya pinag pahinga na kami ni coach. Nag drop by muna ako sa may cafe malapit lang dito sa university upang bumili ng paboritong chocolate cake ni Jhoey. Sobrang hilig din kasi nun sa mga matatamis, wag lagyan ng malisya. Tumira din kaya ako ng medyo matagal sa condo niya.
Kakalabas ko lang sa may elevator ng may narinig akong pamiliar na boses. Huminto ako sa may corner at sumilip, and from here nakita ko si Jessie na kausap si Jhoey sa may labas ng unit niya.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...