#BC3Hiling
[Yung day na lumayas si Pat sa bahay ng parents niya]
Umuulan ng malakas at walang tigil pa din itong kumakatok sa isang pintuan.
"Pat?"
Gulat na gulat ito ng makita niyang basang-basa ng ulan ang babaeng pinakamamahal niya.
"Jorge" kahit basa man ng ulan ay halata pa ding umiiyak ito. Agad namang napayakap si Pat at doon ay umiyak pa ng husto.
Dahil sa nasunog ang bahay nila Jorge, nakatira na siya ngayon sa isang apartment. Mag-isa lang ito dito sapagkat ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay bumukod na muna sa probinsya.
Nagpaiwan lang ito dito dahil sa kanyang pag-aaral.
Pinapasok niya muna ito at kinunan ng tuwalya para mapatuyo nito ang kanyang sarili.
"Pat . . ." inabutan niya ito ng mainit na chocolate. "bakit ka napasugod dito? At talagang nagpaulan ka pa . ."
"Jorge, lumayas ako"
"ano?!" ngayon lang din nito napansin yung mga gamit na dala niya, "alam na nila Dad yung tungkol sa atin" at muli itong umiyak, niyakap niya naman ito.
"gusto niyang hiwalayan kita pero ayoko. Ayoko kasi mahal kita, mahal na mahal kita" napahawak ito sa kanyang pisngi at napatitig sa kanyang mga mata.
"pero paano yung pag-aaral mo?"
"tutulungan mo naman ako diba? I mean, pwede akong magtrabaho while studying just like what you're doing. We can do this right?" hinawakan ni Jorge ang mga kamay nito at kanya itong hinalikan.
"Oo naman Pat. As long as we're together, makakaya natin."
"I love you so much Jorge . . ."
"I love you too so much Pat"
Unti-unting nagkalapit ang kanilang mga mukha at di nagtagal ay nagkadampi na ang kanilang mga labi.
~
"Hey" Alyanna flinched ng hawakan siya ni Rupert sa may balikat nito, "are you alright? Kanina pa kita kinakausap. It seems na di ka nakikinig?"
"Y-Yeah, okay lang ako"
"wala ka naman ata sa sarili eh" nag-aalalang wika nito, "what's bothering you? Alam mo namang pwede mo akong sabihan, I'm just here ready to listen" ngumiti ito, pero mukha na naman ni Jhoey ang kanyang naiimagine.
She shook her head and looked away, "I'm fine." tapos tumayo ito, "I-I have to go. May pupuntahan pa ako"
"samahan na kita" agad namang napatayo si Rupert, "no. uhm gusto ko din kasing mapagisa"
"Pero--"
"wag ka ng makulit okay. at saka may class ka pa. May dadaanan lang ako tapos pupunta na din ako sa class ko."
Di na kinulit pa ni Rupert si Aly at sinunod na lang nito ang kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...