Chapter 21

2.1K 61 2
                                    


Max's POV

Nasa may cafeteria kaming tatlo ngayon as usual nina Jorge at Pat. Back to normal na naman itong dalawa sa pagiging aso't pusa nila. Mabuti na din siguro ito kesa naman di sila nag-iimikan.

Pinag-aawayan nila ngayon yung tungkol sa kung ano ang pinakamasarap, burger ba o spaghetti.

txk!

Kahit sa maliliit na bagay, pinagaawayan pa din nila. Hay Naku!

Natigilan naman ako bigla ng may nakita akong isang di kanais-nais na tanawin.


"Max?" nabitawan ko kasi yung kutsara ko na siyang ikinakuha ng atensyon ng dalawa.

"oh my!" nakita na din siguro ni Pat yung nakita ko.

"Mukhang game over kana Max" mas lalong pinapasikip naman ni Jorge yung damdamin ko.

"Jorge ano kaba!" ramdam ko yung mga kamay ni Pat sa may balikat ko.

"Marami pa namang iba--" di ko na sila pinapakinggan pa. Nagwalk-out ako at patakbong pumunta sa may pinakamalapit na girl's CR.

"Grabe ka Adrian!" parang baliw lang ako na humihikbi at kinakausap yung sarili ko dito.


Gusto niyo bang malaman kong ano yung nakita ko?

Si Adrian kasi may kasama siyang magandang babae. Ngayon ko lang nakita yung babaeng yun so sa tingin ko, transferee siya.

Mabuti pa yung babae, napapangiti niya si Adrian ng ganun.

Sobrang sakit naman neto.


"Max?" tawag sa akin nina Pat at Jorge. Sinundan pala nila ako dito.

"Gusto ko munang *sob* mapagisa *sob*" sinusubukan kong itago yung mangiyak-ngiyak kong boses.

"sabihan mo lang kami pag gusto mo na ng kausap" narinig kong wika sa akin ni Jorge.

Maya-maya ay umalis na din sila.

*face palm*

"Tanga ka naman kasi Max, bakit ka pa nga ba aasa kung hindi naman yung tulad mo ang type na gusto ni Adrian."

Medjo nagtagal din ako sa loob ng cubicle. Maya-maya ay lumabas na din ako at nagtungo sa may rooftop.

Bukod kasi sa basement, simula ng malipat ako sa section D, naging tambayan ko na din itong rooftop ng building. Mahangin kasi dito at ang sarap tambayan lalo na kung malapit ng lumubog yung araw. Tanaw na tanaw mo kasi dito yung sunset.

"Alone?" napatingala ako at nakita si Jonas na nakangiti sa akin. Agad din namang naglaho yung mga ngiti niya. "what happen? You look so sa--" inakap ko siya bigla. Pagkanalulungkot kasi ako ng sobra gusto ko yung may makakayakap.

"A-are you okay?" sabay hagod niya sa likuran ko.

"J-Jonas..." at ayun humihikbi na ako.

"It's okay. I can be your crying shoulder. Iiyak mo lang yan kung ano man yang nagpapabigat sa loob mo"


Ng medjo gumaan na yung pakiramdam ko ay di ko mapigilang magkwento sa kanya. Ang sarap magshare sa kanya kasi pinapakinggan niya lang ako. Nakakahiya nga eh kasi bukod sa nabasa ko ng sipon yung uniform niya, nagsha-share pa ako ng walang kwentang bagay sa kanya.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon