Chapter 56

1.7K 62 3
                                    

#BC3ForBetterOrForWorst


Tony's POV


"Say AHHhhh..." masunurin naman niya itong kinain ng subuan ko ito.

Kahit ilang taon na ang nakalipas, di pa rin kumukupas ang ka-cutan nitong Andria ko.

Yung mga ngiti niyang halos mawala na ang kanyang mga mata at ang kanyang nakakahawang mga tawa. Kahit taon na ang lumipas, mahal na mahal ko pa din siya.

"Masarap ba?" tanong ko at agad naman itong napatango.

"The best pa din ng luto mo" wika niya sa akin na siyang ikinangiti ko ng husto. (eh sa kinilig ako!)

Nasa ospital pa din si Andria ngayon, patuloy na ino-obserbahan ang kanyang kondisyon. Nagpasagawa pa ako ng second and third test upang ma-confirm kung talaga bang may Alzheimer's Disease siya.

Umaasa pa din kasi akong nagkamali lang sila.

Si Adrian mismo ay tumutulong na sa mga isinasagawang laboratory test ng kanyang Mama. Advantage din pala yung may Doctor sa pamilya, but still we're all hoping for the best result.


Yet, same goes with the other test, may Alzheimer's pa din talaga ito. 


"Papa andito na po yung pina-order ninyong chocolate cake" pareho naman kaming napatingin kay Jhoey na kakapasok lang sa kwarto. May bitbit itong isang maliit na kahon na naglalaman ng chocolate cake.

"JJ, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Andria sa kanya.

"Meron po, pero gusto po kitang alagaan at mabantayan" sabay yakap sa kanyang ina.

Masaya ako't nagkaayos na talaga kami ni Jhoey. Sobrang namiss ko 'tong baby girl ko, lalo na't lumaki itong Papa's girl despite na si Andria palagi ang kanyang kasa-kasama.

Nasabi ko na din bang naaalala ko yung sarili ko sa kanya, lalo na yung mga panahong binibigyan niya ako ng cold-shoulder treatment.

Na Mana ata ni Jhoey yung pagiging Emo ko eh, hehehe


Natakot ako nung unang linggong nagkawalay ang dalawa, naisip ko kasi na baka magaya si Jhoey sa akin, Na halos mabaliw nung maghiwalay kami ni Andria. Pero salamat sa Diyos at isang malakas na bata ito.

Hindi naman talaga ako tutol sa kanila ni Aly ngunit yung panahon kasi, hindi pa tama. Masyado pa silang bata para pumasok sa ganoong klaseng relasyon. Oo, inaamin kong napagdaanan ko na din ito noon, at kita nyo naman ang kinahinatnan ko.

Panahon lang din naman talaga ang makakapagsabi tungkol sa kanilang pag-iibigan. Besides, kung sila talaga -- SILA TALAGA.

Just like our love story, marami kaming pinagdaanan ni Andria bago namin narating ang amin ang lugar kung saan kami ngayon at pareho pa kami naging masaya sa piling ng isa't isa.

Pero hindi naman ibig sabihin nun ay happily ever after na kami ng Andria ko. Patuloy pa din kaming sinusubok ng tadhana, kasi ganyan ang buhay ng tao eh. Pagkatapos ng isang laban, may bagong laban na naman kaming haharapin.


Masakit isipin na ang babaeng pinakamamahal ko may matinding pinagdadaanan ngayon. Hindi ko lubos maisip na mangyayari toh, not that soon. 

Tanggap ko na yung katotohanan na, tumatanda na kami. Pero yung magkasakit ito, . . . . sighed


By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon