Chapter 22

1.9K 57 1
                                    

Max's POV


Sabado ngayon at nasa may garden ako kasama si Tita Andria - nagtatanim ito ng mga bagong halaman habang ako naman ay nagdidilig.

Nasa may coffee table naman sina Adrian at Jhoey - study buddies lang ang dalawa. Mukhang seriouso yung pinag-aaralan nila eh.

Maya-maya naman ay dumating si Tito at may dala itong envelope.

"AJ . . ." napatingin ako sa kanila ng magsalita ito, "Andito na yung application form mo at naka-sched na din yung magiging flight mo."

"HO!?" dahil sa sobrang gulat, di ko maiwasang makalikha ng ingay na siyang ikinakuha ng atensyon nila.

"Chismosa ka talaga clumsy girl" hirit ni Jhoey pero wala akong time para sagutin siya.

"Saan po pupunta si Adrian?" curious ako, bakit naman kasi aalis siya diba?

Humarap si Tito sa akin at ngumiti, "Pupunta siya sa Massachusetts, magta-take siya ng entrance exam for college"

"Massa-ano?" ano ba yan, ang hirap naman nun.

"isang state yun sa America" sagot naman ni Tita sa akin, "itutuloy mo ba talaga yan Tony? Ayokong mapalayo yung baby boy ko" ibinaling naman nito ang tingin sa kanyang kabiyak.

"Po?" clueless pa din ako.

Nakita ko namang nagface palm si Jhoey, "di mo pa din ba gets?" tanong niya, "doon na mag-aaral si Kuya sa Harvard University. Ang lugar na hinding-hindi mo siya masusundan" sabay delat niya.

Para namang gumuho yung mundo ko,

'si Adrian lalayo na, di ko na siya makikita? Di ko na siya makakasama? Paano naman ako? Kami? Hindi ko pa nga naa-accomplish yung pagsungkit ng puso niya, lalayo na siya? Paano kung may mahanap siyang iba doon tapos makalimutan niya ako? Pati na din yung maliit na feeling na meron kami ngayon ay mawawala?'  Feelingera na ako at assuming pero umaasa pa din kasi ako eh.'

"Max?" narinig kong may tumatawag sa akin pero di ko ito pinapansin dahil na din sa sobrang lalim ng iniisip ko. Ramdam ko na lamang na nilalayo na ako ng mga paa ko mula sa garden at umakyat ako papunta sa kwarto ko. Humiga ako sa kama,

"Harvard University? Balita ko mayayaman at matatalino lang yung nakakapasok doon. Di naman ako mayaman at di rin ako matalino, di ko talaga siya masusundan doon" haist. Ang drama ko na pero sobrang sakit kasi eh.

~

"drama queen talaga yun!" bulalas ni Jhoey. Napatingin naman ulit si Tony kay Adrian matapos yung 'wala-sa-sariling-walk-out' ni Max.

"Anyway, AJ inaasahan kong makakapasa ka okay. You're a gifted child, and I want to give you the best school na makakatulong sayo to develop you more. Madali mo na ding mapupuntahan yung GGC Main since malapit-lapit lang yun doon. You can start little by little na din sa pag-aral na patakbuhin yung companya" tinapik-tapik nito ang balikat ng anak.

Tumango lang si AJ at napahawak sa envelope.

Di man nila ito nahahalata pero may kung anong gumugulo sa isipan niya na siyang pumipigil sa kanya na umalis.


Ayaw niyang umalis.

~

Kanina pa tinititigan nitong si Jorge si Max na kanina pa din nakatulala sa kawalan. Nakapanghalumbaba ito at di niya alam kung dapat ba siya matawa o mabahala sa pinaggagawa ng matalik niyang kaibigan.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon