#BC3Closure
Jhoey's POV
Na niniwala ba kayo sa kasabihang,
'first love never die?'
Kasi, kung ako ang tatanungin n'yo, Oo ang magiging sagot ko.
Totoo, mahirap makalimutan ang unang pag-ibig. Sila kasi yung nagturo sa atin kung paano at ano ang feeling ng ma-inlove. Gaya sa naging experience ni Papa at ni Uncle Joe. Naikwento kasi ni Uncle yung tungkol sa naging rivalry nila ni Papa kay Aunt Andy noon. Pareho nila itong naging first love at ito din ang naging ugat ng pagkakalabuan ng pagkakaibigan nila. Pero dahil sa hindi gusto ni Uncle Joe na mangyari yun, pinaubaya niya na lang ito kay Papa. Unfortunately nga lang na basted si Papa kaya technically, pareho silang walang napala. Buti na lang talaga at hindi naisakrpisyo yung pagkakaibigan nila.
Unlike sa nangyari sa amin ni Rupert.
OO, pareho din naming naging first love si Aly. Ang saklap nga lang kasi nawalan na nga ako ng lover pati pa yung naging pagkakaibigan namin. Sana nga ay maayos pa namin toh. Sayang din kasi yung nabuo naming samahan dati.
Eh sa kasabihang, 'True love can bury first love alive.' Naniniwala din ba kayo dito?
Again, Just like Papa, nangyari na din ito sa kanya.
By chance ba, maaring same path lang din yung pagdadaan ko sa pinagdaanan ng Papa Tony ko? Hmm, slight lang siguro.
Kasi nga diba, When Papa met Mama, she slowly learned how to let go of her broken feelings and moved on. She then loved Mama (until now) more than she loved her first love.
When I met Mei, ganun din kasi yung nangyari. Hindi man madalian pero slowly we fall for each other. I fall for her.
And I can truly say, after I saw Aly on our reunion - masasabi kong I love Mei more than I loved her.
And I'm very, very sure of that.
. . .
Naalimpungatan ako ng may biglang umuyog sa akin.
"Bee andito na tayo" nakangiti akong tumingin sa kanya. Napakatamis naman talaga pakinggang ang mala-anghel n'yang boses.
"ba't kaba nakangiti ng ganyan?" she looked away at pansin kong bahagya itong namumula.
"eh sa napanaginipa kita. Akalain mo sa pag gising ko ikaw din agad ang masisilayan ko. Hayy, ang sarap-sarap naman ng buhay" sabay nito ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Di nito napigilang ngumiti at tumawa sa kilig. May pahampas-hampas pa itong nalalaman, kaya kiniliti ko ito.
Natigilan lang kami ng may biglang nag-tap sa car window. Si Row
"tara na love birds. Kayo na lang ang inaantay. Maya na kayo mag lovey-dovey" sabi nito ng buksan ko ang car window.
Bumaba na kami ni Mei at habang naglalakad papunta sa kanila ay kinukulit ko pa din ito. Para tuloy kaming mga batang naghahabulan dito.
"Ay naku naman talaga 'tong mga batang toh, eh di kayo na ang may forever!" ang bitter naman nitong si Jaq. Well, hindi ko naman din ito masisisi. She had gone through 2 serious relationships already at lahat ng yun ended up badly.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...