Chapter 35

1.6K 56 3
                                    

#BC3Fear

Alyanna's POV

Buwan na din mula ng magsimulang manligaw sa akin si Rupert. Pero yung feeling ko para sa kanya ay di pa rin nagbabago --- Kaibigan, kaibigan pa din yung kaya kong ibigay sa kanya.


Nothing more, nothing less


Sobrang weird nga lang kasi, sa tuwing may ginagawa ito para sa akin ay mukha ni Jhoey yung naiimagine ko. Palaging ko ding naiisip na what if, si Jhoey ang gumagawa ng lahat ng toh para sa akin, maybe in no time sasagutin ko na siya.


PERO NO!


Big NO, NO!


Ano na lang ang sasabihin nila Mama, Ate and GrandMa sa akin.

Madi-disappoint ko sila, especially Dad. He'll be so mad!


Pero, paano naman yung feelings ko? Okay, maybe may gusto ako kay Jhoey pero slight lang. SLIGHT


Kahit ganun, bawal pa din itong nararamdaman ko diba?

. . .


Weekend ngayon at napagisipan kong mag jogging sa may park ng subdivision. Pero di ako nakontento kay lumabas ako. Gusto kong aliwin ang sarili ko para naman mawala na sa isipan ko itong si Jhoey.

She keeps on bugging me.


I was crossing the street pauwi ng biglang may isang kaskasaerong ewan ang dumaan at muntik na akong masagasaan!

Buti talaga at huminto ito, di porket mamahalin ang sasakyan niya pwede na siyang magpatakbo ng mabilis. Padabog ko itong nilaptan at hinampas ang back hood ng sasakyan.

"Get Out!" I yelled. "you freakin' rascal! Get Out!"


Antapang-tapang ko lang eh ano. Hehehe


Dali-dali naman itong lumabas at lumapit sa akin, "I'm so so sorry" naka hoodie ito with dark shades. Tss, kaya naman pala di niya nakikita yung dinadaanan niya kasi sobrang dark ng shades niya.

Napatingin ako sa mukha niya ng mapatigil ito bigla sa pagsasalita, "Aly..." I heard him whispered.


Ayt, di pala 'him' kasi 'her' siya.


Si Jhoey.



Ghad! I can't explain how much I'm feeling right now. Nakakamiss din pala sobra ang mokong na toh. Ngayon ko na lamang ulit itong nakakausap ng ganito ka lapit.

"Sorry talaga, di ko sinasadya. Nagpa-practice pa kasi akong magmaneho"

"Wow ah, magpa-practice tapos spots car ang gagamitin?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"it's our latest model, pinapatest drive sa akin ni Papa."

"I don't care" feel ko lang tarayan siya ngayon, muntik na niya akong sagasaan.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon