[A/n: Gumawa na naman ulit ako ng video teaser, out of boredom. Ewan ko kung magustuhan ninyo. Anyway, I hope you'll like this chapter :*]
===
#BC3TwoYearsOfLoneliness
Jhoey's POV
'Yes, I do, I believe
That one day I will be
Where I was right there
Right next to you
And it's hard
The days just seem so dark
The moon and the stars
Are nothing without you
Your touch, your skin
Where do I begin?
No words can explain
The way I'm missing you
Deny this emptiness
This hole that I'm inside
These tears
They tell their own story
Told me not to cry when you were gone
But the feeling's overwhelming, it's much too strong . . . . '
"JJ!" agad akong napatanggal ng headphones ng marinig ko ang boses ni Mama. Napatingin ako sa paligid at ngayon ko lang na pansin na andito na pala kami.
Bumaba na ako sa kotse at nagunat ng buto. Medjo mahaba kasi yung biyahe kaya nangangawit yung buong katawan ko.
"Andito na tayo" lumabas na din si Papa mula sa passenger's seat at nagtungo sa may compartment para kunin yung mga gamit ko.
"Baby, di ko na ba talaga mababago ang isip mo?" lumapit si mama sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
I slightly smiled.
"Sweetie, napagusapan na natin to. We both agreed to respect Jhoey's decision na diba?" sabi ni Papa bitbit ang mga bagahe ko.
She sighed heavily, "si AJ nga umalis na din, pati ba naman yung bunso ko?"
"Mama, bibisita pa din naman po ako sa bahay" tapos niyakap niya ako. "basta dalasan mo yung uwi mo ah. Mami-miss ka ni Mama ng sobra." nagkatinginan naman kami ni Papa pero agad akong umiwas.
Di pa rin napapawi yung galit ko sa kanya.
Humiwalay na ako sa yakap at kinuha na ang mga gamit ko.
"okay na yung tutuluyan mo gaya ng ni-request mo" sabi niya sa akin at tumango lang ako without even looking at her.
"JJ tawagan mo lang kami pag may kailangan ka okay?" tumingin ako kay Mama at tumango lang din.
Inabutan niya ako ng card, "credit card mo 'yan. Kung kukulangin yung allowance na binibigay namin, pwede mo yang gamitin"
"Sige po mauna na po ako sa loob"
Bitbit ang mga bagahe ko, pumasok na ako sa loob ng magiging tirahan ko for the rest of my college years, I guess.
Binilhan nila ako ng condo as my graduation gift at dahil malapit lang ito sa University na papasukan ko kaya napagpasyahan kong dito na tumira.
Pumasok ako at di ko na kailangang magpagod sa pagaayos kasi fully furnished na yung condo. Tanging yung mga damit at ibang gamit na dala ko na lamang yung aayusin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/47278014-288-k48523.jpg)
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...