#BC3FriendsONLY
Jhoey's POV
"whoo.. sobrang galing mo pa lang mag piano ehh" kanina pa ako pinupuri nitong si Mei. Busog na busog na nga ako.
I smiled as I steady my gaze on the road, "tama na Mei, lalaki na ulo ko nyan"
"asus, wag ka nga! eh may i-bubuga ka naman eh" sabay hampas niya sa braso ko.
"oist, nagmamaneho ako ano ka ba" tinawanan nya lang ako.
"Grabe ang bait din ni Row noh at ang kulit pa! Sobrang saya ko kasi nakilala ko siya sa personal! May autograph, pictures at naging kaibigan ko pa sya!" almost 11pm na din pero yung energy ng babaeng ito ay sobrang taas pa.
"tapos nakilala ko pa si Jaq, yung idol kong director! Sobrang liit talaga ng mundo. Akalain mo yun mga kababata at kaibigan mo ang mga yun" napatango naman ako at sumang-ayon dun sa sinabi niya.
'Indeed sobrang liit ng mundo'
Nabalot naman kami ng katahimikan, akala ko din ay nakatulog na ito kaya binuksan ko na lamang yung radio para hindi ako antukin.
"Jhoey?" she said in a drowsy tone.
"hmm?"
"khob khun ka.."
"for?"
"for letting me accompany you.... for everything..."
I smiled, "don't mention it"
I halted when the traffic light turned red. Habang inaantay yung 'Go' signal ay napalingon naman ako bigla kay Mei na ngayon ay natutulog na.
I don't know kung gaano ako ka tagal na nakatitig sa kanya, na pabalik-diwa lang ako ng biglang may nag preno sa may likuran.
Buti di nagising si Mei.
. . .
Hindi ko na din ito ginising ng makarating kami.
Binuhat ko ito hanggang sa condo unit ko at marahan na ihiniga siya ng maayos dun sa kama niya. I placed the comforter and watched her sleeping soundly for a while.
Hindi ko alam anong nangyayari sa akin pero lately napapansin kung napapadalas yung pagtitig ko sa kanya.
I sighed.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...