Chapter 28

1.4K 50 0
                                    

#BC3TheDance

Jhoey's POV



*Tumatakbo*



"Rupert . . . . gumising ka!" sigaw ko sa kanya habang tinutulungan ang mga nurse na itulak ang higaan nito papunta sa operating room. "Hold on buddy!"


"J-Jhoey . . . I-I'm sor-ry . . ."


"Shhh, relax ka lang okay. You'll be fine"


"J-Jhoey . . . y-yung c-contest . . ."


"shhh, bro wag kana munang mag---"


"sa-mahan mo . . . s-si Aly . . ."


"Bro . . ."


"hanggang dito na lang po kayo" wika nung nurse ng ipasok na ito sa operating room.

Napasandal naman ako sa wall at tahimik na napaiyak. "Rupert . . ." 

shit! bakit ba kasi kailangan pang mangyari sa kanya ito! Ni hindi pa nga ako nakapagsorry sa kanya dahil doon sa naging cold treatment ko sa kanya.

"Sana maging okay lang siya" napahawak ako sa may batok ko tapos ginulo-gulo ko yung buhok ko. 


Ilang minuto ang nakalipas at dumating yung butler ni Rupert. Tulad ko ay nataranta din ito at halatang sobra ang pagaalala sa kaibigan ko.

"Anong nangyari? Kamusta si Young Master?" tanong nito sa akin ng makita niya ako. 

"Nasagasaan po siya . . ." nagpipigil ako ng luha, "nandoon pa siya sa loob."

Maya-maya ay may doctor na lumabas kaya agad kaming napalapit dito.

"Family members ba kayo?" tanong nito.

"Guardian lang po ako Doc. Nag out of the country kasi yung parents niya" sagot nung butler, si Mang Ed.

"well, for now stable na yung patiente. Luckily, hindi siya napuruhan pero nagkaroon ito ng bone fracture sa may kaliwang paa at kaliwang braso nito. We advised na magstay muna siya dito for a week or two for observations. May konting galos din yung ulo nito, at imo-monitor pa natin ito since medjo malakas din yung impact ng tumama ito." wika ng Doctor sa amin.

"salamat po doc"

"ililipat na namin ito sa private room. Doon na lang ninyo siya puntahan, excuse me"

Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig 'yon. Buti naman at hindi ito napuruhan. Pero may naging fractures pa din ito at sana gumaling na ito agad.

Pinuntahan na namin siya ni Mang Ed sa kwarto niya at nakita namin itong himbing na himbing sa pagtulog.

Nilapitan ko ito at naiiyak na nakatingin sa kanya, "Rupert . . ."

Agad ko namang naalala yung contest at si, "Alyanna . . ."

Paano na yung contest? Tiyak matatanggal sila since wala ng partner si Aly. By partner kasi yung category nila.

Napaupo ako sa may sofa at napahilamos sa mga palad ko.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon