#BC3EndingPage
"Good Morning, Ma'am Tony saan ko po ilalagay itong gamot ni Ma'am Andria?" tanong ng isa sa mga kasambahay nila na si Rosy.
"Diyan lang muna sa table, ako na yung magpapainom sa kanya. Baka kasi sinusumpong yun, ikaw pa ang mapagdiskitahan" she let out a soft chuckle.
"Eh mam, ganyan po ba talaga si mam Andria?" tanong nito. Bagong hired lang kasi si Rosy since umalis yung isa dahil manganganak na.
Napahinto muna saglit si Tony mula sa pagha-halo ng flour sa mixing bowl, "Hindi . . . " sabay tingin sa kanya. "pasensya na po kung natanong ko po" nakaramdam naman ng takot at hiya ang dalaga.
She smiled, "okay lang. Actually may sakit si Andria kaya siya ganyan, pero mabait naman yan. Hindi pa lang talaga siya sanay sa presensya mo. Pero pagtumagal ka na,masasanay din yun at hindi na magsusungit yun."
"Anyway, eto na. I sa-salang mo na lamang ito. Wag mong susunugin, ayaw niya ng may sunog. Pagkatapos ay lagyan mo na yung baso ng gatas, yung fresh milk nasa ref, tapos yung butter at syrup nasa tray na. Ako na lang yung maglalagay. Ihatid mo na lang yan sa kwarto pagtapos na" wika nito sabay tanggal sa apron nito.
Pagkatapos maka-usap si Rosy ay agad na itong nagtungo sa may garden. Napangiti naman ito g makitang nakaupo ng tahimik ang kanyang mahal habang pinagmamasdan ang mga halaman nito.
"Hi" bulong niya sabay upo sa tabi nito. Kunot-noo naman itong nilingon ni Andria at nagtanong, "sino ka? At anong ginagawa mo dito?"
"I'm your nurse" birong sagot niya, "at pupunta na po tayo sa dining room upang kumain ng breakfast para mainom mo na ang gamot mo" dagdag pa nya ngunit mas sinungitan pa ito ng tingin ni Andria.
"Nurse? Gamot? Bakit, wala naman akong sakit ah" here we go again.
"Meron po ma'am kaya halika na" tumayo si Tony sa harapan niya't marahan niya itong hinila patayo.
"NO!" sabay bawi sa braso nito ay ang matigas na pag protesta niya.
Napakamot naman sa ulo si Tony, "Ma'am wag na 'pong matigas ang ulo." paglalambing nito.
"No!" ngunit nagmamatigas pa din ito.
"ma'am sige na . . . Sige ka magagalit si sir Tony" pananakot niya, which is effective naman.
Nag iba ang facial expression nito, "si Tony? Saan si Tony?"
Napatawa muna ito bago umikot at masiglang nagsabing, "Andito"
"Tony . . ." agad na tumayo si Andria at niyakap nito.
"I miss you, saan ka ba galing?" asal bata ni Andria. Niyakap naman siya ni Tony ng mahigpit na mahigpit.
"andito. Narinig kong hindi ka sumusunod sa nurse mo" naka-pout naman siyang hinarap ng asawa.
"kasi ayoko ng nurse, gusto ko ikaw" tapos ay niyakap siya nito ulit habang napailing-iling na lamang si Tony sabay tawa.
Bukod sa unti-unting nawawalan ng memorya, para namang bumalik sa pagkabata si Andria dahil sa kanyang sakit. Mula naman ng magretire si Tony, she devoted herself in taking care of her wife, full time. Wala na din naman itong dapat ikabahala since kaya ng patakbuhin ni Jhoey ang buong companya.
. . .
"Say AhhH" masunurin namang sinubo ni Andria yung pagkain. "very good"
![](https://img.wattpad.com/cover/47278014-288-k48523.jpg)
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...