Chapter 32

2K 59 3
                                    

#BC3AreaExposure

Jhoey's POV


I still can't get over this! 

Ayaw talagang mawala ng nararamdaman kong ito, at sobrang nakaka stressful na. Habang tumatagal na palagi ko itong nakikita at nagiging malapit kami sa isa't isa, ay mas lumalala pa ata itong nararamdaman ko para sa kanya.


sighed


Inabot ko yung juice and took a sip on it, "come'on Jhoey, keep yourself together" at napayuko ako.


Maya-maya naman ay may narinig akong mga yapak, 


si Papa.


"Jhoey is everything alright?" tanong niya at napatingin ako sa kanya.

"O-Opo papa, okay lang" ngumiti ako sabay iwas ulit ng tingin.

"bakit parang iba naman ata ang sinasabi ng mga kilos mo?" tumabi ito sa akin at inakbayan ako, "pwede mo namang sabihin sa akin anak. You know you can always count on me right?"

"Papa.... kasi..."

"I'm listening, go on..."

"Tungkol kasi toh sa kaibigan ko. Nagpapaadvice kasi, di ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya."

"Advice? sa alin, tungkol ba ito sa pag-ibig?" marahan naman akong tumango.

Tumawa naman si Papa, "sabihin mo sa kanya na mag-aral muna siya. Ang bata-bata pa ninyo para jan"

"ehh Papa naman, may pinipili bang edad yun pag-ibig?"

"hmm, wala. Naks! ikaw ah, may nalalaman ka ng mga ganito" ginulo-gulo niya naman ang buhok ko. "Sinong kaibigan ba toh anak?"

"kaklase ko po, di niyo pa po siya kakilala" pagsisinungaling ko.

"hmm, sige sabihin mo sa akin yung problema niya and let's see kung matutulungan ba kita sa paga-advice mo sa kanya"

"...kasi po, may namumuo po siyang feelings para sa isa pa po naming kaklase na babae. Pero hindi po pwedeng magkagusto siya doon kasi masasaktan nito ang best friend niya which is tulad niya ay may gusto doon sa girl. Pero mas lalong tumatagal imbis kalimutan ang nararamdaman, mas lalo pa tuloy lumalala. Tapos meron pang isang problema..."

"hmm okay ano yun?"

Paano ko ba sasabihin toh, "uhmm, mahirap lang po kasi siya at anti yung family ng girl sa mga katulad nya. Kaya yun po, hindi niya po alam kong anong gagawin niya"

"naku mukhang mahirap nga yan anak" napakamot naman si Papa sa ulo niya. "sabihan mo na lang talaga siya na mag-aral muna siya. Sa edad niyo kasi ngayon, puppy love pa lang yung nangingibabaw. Mawawala din yan, makakamove din siya" at hinimas nito ang buhok ko.

"paano po kung love na po talaga yung naramdaman niya?"

"Naniniwala ka ba sa destiny anak?"

"siguro po?"

"Kahit anong pagsubok pa man ang inyong pagdaanan, kung nakaguhit talaga at nakatakda talaga kayo para sa isa't isa, Hahanap at hahanap talaga ng paraan ang panahon upang kayo'y magkatuluyan. Nasa-sayo na din kung papakinggan mo kung ano ang andirito" sabay turo nito sa may dibdib ko, "pero wag na wag mong kakalimutang dalhin at gamitin ito ahh" tinuro niya naman ang ulo ko.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon