#BC3WordsCanHurt
Andria's POV
Alam kung hindi dapat ako makialam pagdating sa personal na bagay ng mga anak ko ngunit di ko kasi maiwasang kiligin sa chemistry nina Max at Adrian ko. Nakakainis nga lang minsan 'tong baby boy ko, ang rude kasi.
Sa pagkakaalam ko hindi ko naman siya ganito pinalaki ahh.
May saltik lang talaga siguro 'tong batang toh, gaya ng Papa niya.
Sabi kasi sa akin ni Tony at pati na din ng mga taong saksi sa pag-iibigan namin, nung una daw kaming nagkakilala, away daw ang ginawa namin.
Napa-guidance pa nga daw kami one time dahil sa naging away namin sa may cafeteria way back sa college days namin. Kinunfirm din yun ni Robi kasi ando-doon sila ni Steph nung day na nangyari yun.Nag-spaghetti fight daw kami.
Tawang-tawa nga ako ng kinukwento niya sa akin yun. May nakita din pala akong video tungkol sa naging away na yun. I can't imagine anong pumasok sa isipan ko bakit nagawa ko yun, at talagang sa harapan pa ng maraming tao!
Di nga daw kasi kami magkasundo kaya di lubos maisip ni Robi na magkakainlab.an kami na daig pa ang aso't pusa kung magaway.
Kaya I can't help it na umasang ganun din ang kakahantungan ng love story nitong dalawang toh.
Medjo nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Nasa may balcony kasi ako ngayon, nagpapahangin lang habang nagmumuni-muni.
"Hi" bulong niya sa akin.
Kahit ilang taon na din kaming nagsasama, di pa rin nawawala yung kilig na dala ng boses niya kapag naririnig ko ito.
Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya na nakahawak naman sa may tiyan ko.
"Akala ko tulog kana.."
"Nawala ka kasi sa tabi ko kaya hinanap kita." sabay patung nito sa kanyang baba sa may kaliwang balikat ko.
Di ko naman mapigilang kiligin.
"Ayaw kong magising na wala ka sa tabi ko.."
"..ngunit palagi mo naman akong iniiwan.." sabay nguso ko.
"Nagtatrabaho naman po kasi ako. Pero kahit ganun pa man, kahit saang lupalop man ako abutin...." humarap ito sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko, "... sayo at sayo pa din ako uuwi..." at hinalikan niya ako sa noo.
. . .
Max's POV
"Ang sweet naman..." di ko mapigilang kiligin habang pinagmamasdan ko sina Tita Andria at Tito Tony sa may balcony.
Nasa may garden kasi ako ngayon, nagpapalamok este nagsa-star gazing. Ang clear kasi ng kalangitan ngayon, magandang timing para pagmasdan ang mga bituin. Relax and chill lang muna ako habang inaantay ko si Adrian. May gagawin pa kasi daw siya, tatawagin na lang daw niya ako pag magsisimula na kami sa pagre-review.
Kahit cold at snabbero yung isang yun sa school, tinutulungan pa din naman niya ako sa pag-rereview ko.
"Chismosa ka talaga noh" napalingon ako at nakita si Jhoey na nakatayo mula sa di kalayuan.
"Hindi ah, nagkataon lang na nakita ko sila."
"palusot pa eh"
"tigilan mo nga ako sa mga pambabara at pangaasar mo sa akin." binalot din kami ng katahimikan sa loob ng ilang segundo, bago ako muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...