Chapter 52

1.6K 56 2
                                    

#BC3Flashback ;Part 3


Dumeretso silang lima doon sa rest house na pagmamayari ng family nina Row sa may Baguio. Malayo sa kabihasnan yung lugar kaya hindi sila agad na hahanap. Once in a blue moon lang din kung bumisita ang mga Ocampo sa Rest house kaya safe sila doon. May care taker lang na bumibisita doon once in a while kaya maayos at magiging comportable ang pagtira nila pagdating nila doon. 

Bago sila tuluyang dumeretso ay nag drop by muna sila sa isang convenience store para bumili ng mga pagkain.

 Mag uumaga na din ng makarating na sila.

"sigurado ba talaga kayo dito sa gagawin niyong ito?" tanong ni Row habang naglalakad na sila papasok sa bahay.

"wala ng 'tong atrasan" sabi sa kanya ni Jhoey.

"Pero paano yung Mama at Papa mo? Hindi pa tayo tumatawag sa kanila simula kagabi. Tiyak nagaalala na 'yon." Nagkatinginan naman sina Jhoey, Aly at Pat.

"Christmas day pa naman ngayon." Dugtong pa nito.

"Kung Ku-contact tayo, baka ma-trace nila tayo" wika naman ni Jorge na kakapasok lang sa bahay.

"Mahal ko!" patakbo namang pumunta si Pat sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. During the whole trip kasi, hindi niya ito nakasama kasi nakasakay ito sa kanyang motor.

"Pero paano sina Mama?" nag-aalalang wika ni Jhoey.

"Row, umuwi ka at ikaw na ang bahalang magexplain" sabi ni Jorge.

"Pero paano kung magtanong sila sa akin."

"sabihin mong sinasamahan naming magtago ang magkapatid." Dagdag pa nito.

"Hindi ko maipapangako." Nakayukong sabi nito.

Jorge sighed.

"Ganito, itext mo kami sa kung anong kalalabasan para naman makaalis kami agad" wika naman ni Pat.

Tumango na ito.

"Salamat bro" niyakap naman siya ng mahigpit ni Jhoey.

"walang anuman bro!" tas umalis na ito.


. . .

Samantala,


*barge in*

"Men, search the area" wika ng head agent.

"teka, teka, ano toh? Bakit kayo andito? Bawal toh?!" sigaw ni Andria. Napatingin ito sa may gate at nakitang tinututukan ng ibang mga agents ang kanilang mga body guards.

"What's happening here?" si Adrian naman ay dali-daling lumapit sa Mama niya.

"hindi ko alam. Basta na lamang silang pumasok!" natatakot na wika nito. Bumaba din si Max mula sa kwarto niya at takot na takot na tumakbo papunta kina Adrian.

Kunot noo naming lumaapit si Adrian doon sa head Agent. "excuse me, meron ba kayong warrant? Illegal itong ginagawa niyo"

"Back off sir! We're just doing out job." Matigas na wika nito.

Maya-maya ay may mga pulis ng dumating.

"All Agents, move out now! This is illegal!" matigas na wika ni Andre, isang chef commander na kasi siya sa isang special action force na team. Nakita kasi ni Christian na ginugulo ng mga black agents ang bahay ng mga Gonzalez nung papunta sana ito sa bahay nila kaya agad niyang tinawagan ang kanyang ama. Tinawagan na din ni Andre si Tony kaya maya-maya ay darating na din ito.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon