Chapter 24

1.6K 55 9
                                    

#BC3Homophic

Jhoey's POV

After ng audition, niyaya kami ni Rupert mag snack sa may cafeteria. Gusto niya daw kasing magbonding kami kasama si Alyanna, which is naiilang ako. Panay kasi yung mga matataray niyang irap sa akin. I guess, dahil pa din doon sa naging pagbunggo ko sa kanya kanina? o sadyang ayaw niya lang sa mga katulad ko? Napapansin ko din kasing naiilang din ito sa presensya ni Row, which is kanina pa din sa pangungulit at pinapatawa ang barkada.

Pansin ko din kung paano ito mandiri everytime bumabanat itong si Row kay Tin.

'Ano ba problema niya? Kung makapandiri WAGAS!' nangiinsulto naman ata itong babaeng ito.

"Uhm Rupert, I have to go" tumayo ito bigla na siyang ikinagulat ng lahat.

"Why? Wala na din naman tayong klase. Mamaya na lang, ihahatid kita" mukhang binabalak na talaga ni Rupert na ligawan ito.

"uhmm no thanks, I don't want to bother you. And your friends is still here, they might get annoy if you'll go with me" sabi niya sabay kuha ng bag.

"No, it's fine with them. Right guys?" sabay tingin niya sa amin ng 'please pumayag kayong umalis ako para mahatid ko siya' look.

"Sure, no problem" nakangiting sagot ni Row.

"well then" at ayun umalis na sila. Nagoffer pa itong si Rupert kay Aly na bitbitin nito ang kanyang mga gamit.

"Mukhang nagbibinata na talaga yung only boy ng banda ahh" kinuha ni Tin yung juice niya at i-binottoms up ito.

"Nagbibinata sa babaeng mukhang mataray at maarte" napatingin naman ako kay Row. Mukhang nahalata niya din pala ata. "Halatang-halata sa mukha niyang ayaw niya tayong makasama eh, lalo na ako at si Jhoey" napatingin naman si Tin sa kanya ng buong pagtataka.

"ano bang pinagsasabi mo jan?" tanong nito.

"ayaw niya sa mga katulad namin, sa mga Tibo!" tumayo ito. "I hope di magbago si Rupert dahil lang sa kanya."

~

Pat's POV

"Max!" tawag ko sa kanya ng makita ko ito ngunit ni hindi niya man lang ako nilingon. Malamang hina-hunting na naman niya si Adrian. 

Pero infairness ah, sa yaman at talino ni AJ dito pa talaga siya sa university na toh nag-aaral. Hindi naman sa minamaliit ko itong school na pinapasukan namin, pero I've heard kasi na magta-take sana ng exam si Adrian sa isa sa mga pinaka-prestigious university doon sa states. Hindi nga lang natuloy kasi dahil kay----MAX!! Ohhh, If I know ayaw niya lang talagang iwanan ang bff ko, which is sobrang swerte niya. Kahit sobrang cold at harsh minsan ni Mr. Genus, supportado ako sa kanya para sa best friend ko.

Anyway,

Oo nga pala college student na ako. Gusto ko sanang kunin na course ay Preschool teacher since I like to teach and I like kids, eh kaso yung Dad ko gusto niya business yung kunin ko para after ng graduation ay maha-handle at ma-manage ko na yung companya. Wala naman akong choice, hindi rin naman ako makakapalag kaya, eh toh I'm a B.S.B.A Freshie.

Si Max naman, teacher yung kinuha pero hindi ko alam sa babaeng yan--mukhang wala pang dereksyon yung buhay. Puro Adrian na lang kasi yung iniisip.

Si AJ naman ay nag doctor. I've heard nagtalo pa sila ng Dad niya dahil jan. Paano ba naman, like me gusto din ng Dad nito na business yung kunin niya since may business sila. Tagapagmana kaya siya sa Multinational company nila. Pero nanaig pa din yung desisyon nito, cause unlike me nirerespeto ni Tito Tony yung gusto ng anak niya. Ang swerte niya.

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon