#BC3Untitled
Max's POV
Summer na!
sighed
Dalawang buwan ko na namang hindi makikita ang mga maiingay kong kaibigan. Si Jorge uuwi sila ng pamilya niya sa probinsya nila. Samantalang si Pat naman magbabakasyon din pero di niya naman sinabi sa akin kung saan. Yung babaeng yun, pakiramdam ko may tinatagong secreto.
Pero di naman siguro magiging boring etong summer kong ito, lalo na't andito ako nakatira kina Adrian.
kyyyaaaaahhhh!! Buong summer ko pa din siya makikita at makakasama!!
"baliw ka na talaga" napalingon ako ng marinig ko si Jhoey.
Di ko naman maiwasang mapatulala sa kanya. Eh kasi naman, etong mokong na toh nagpagupit ng buhok. Yung pang boy haircut!
Kahit anong pagdedeny ko, ang gwapo niya talaga infairness. Nagmumukha siyang kuya niya. *pout*
"baliw" inulit nitong sabi sa akin saka naglakad papalayo. Hinabol ko naman ito at sa di ko alam ang kadahilanan ay hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya.
"a-anong gi-ginagawa mo?" nauutal na tanong niya sa akin. Di ko naman pinansin yung tanong niya at mas tinitigan lang siyang mabuti.
'sobrang gwapo niya naman ata para maging babae? Hmm, sabagay nabibilang naman siya sa pamilyang magaganda ang lahi. Si Tito, si Tita at LALO NA SI ADRIAN KO! Lahat sila may angking ganda.'
"a-ano ba!" nagpupumiglas ito pero mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.
'pero sayang tong batang toh eh! Maganda din naman siya pag naging straight girl siya. Nagmumukha kasi siyang version 2.0 ni Tito Tony pagnatuluyan toh eh.'
Alam ko na yung tungkol sa kanya. Well, at first sobrang na shock ako at di kinaya ng utak kong slow ang explainations. Pero matapos ang ilang linggo ng pagiisip at pagpoproseso, sa wakas ay naintindihan ko na din naman.
"ANO BA!" napabitaw na ako mula sa pagkahawak sa kanya ng sumigaw ito sa akin. Napatingin naman ito ng masama sa akin, "wierdo! Bakit ka ba nanghahawak jan!"
"hmmm, Jhoey ba't ka ba nagpagupit?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa may ilalim ng baba ko.
"Pake mo?"
"parang nagtatanong lang, sungit naman neto." sabay nguso ko.
Nagwalk-out naman ito at padabog na umakyat sa itaas, papunta sa kwarto niya.
"kahit kailan talaga yung batang yun ang sungit-sungit! Magkapatid talaga sila ni Adrian, gwapo nga at matalino, suplado naman" bulalas ko.
"talaga?" bigla naman akong nanigas mula sa kinatatayuan ko.
Marahan akong napatingin sa may likod ko at tama nga yung hinala ko, "A-Adrian?" sabay nakakanerbyos na ngiti sa kanya.
"suplado ako?" lumapit ito sa akin na siyang ikinaatras ko naman.
"ka-kanina ka pa jan?" tanong ko sa kanya.
"na-narinig ko ba l-lahat?" napahinto ako sa kakaatras ng maramdaman ko na yung pader sa may likod ko.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...