#BC3VacationMadness
5 pm
Masayang naglalaro sina Tin at Row sa may porch habang enjoy na enjoy sina Pat at Max sa pag su-swimming habang nakamasid lang si Jorge sa may porch at nakadip lang yung paa niya sa tubig.
Sina Tiff nag pareserve ng place para sa kanilang bbq party sa may beach side kasama sina Cliff at Jonas.
Si Aly naman tinangay ni Rupert at namasyal sa may kalapit bayan para mamili ng mga kakainin nila mamaya. Naisipan kasi nilang magba-barbecue party mamayang gabi. Kasama nila si Christian at ilang mga body guards. Di naman sila naiilang kasi mamimili lang naman sila. Lumaki na din sila sa mga may ganoon kaya na sanay na din siguro.
Si Adrian naman nasa porch din nakatambay pero doon sa room nila. Tahimik itong nakaupo habang nagbabasa ng libro.
Si Jhoey naman kakalabas lang sa banyo dahil nagbihis ng panligo. Sobrang tuwa naman niya ng matanggap niya ang text ng kanyang Papa na pumayag na ang mama niya na magstay sila for a week.
Ng matapos basahin iyon ay napatakbo ito sa labas na siyang ikinagulat nilang lahat, "YEES PAYAG NA SI MAMA!!"
"J-Jhoooeeyyy!!!"
*SPLASSHHH*
"Ahhh Jhoey, di ako maka----gloobb---glooobbb---aahhhh---tu---gloob-glloooobbb" tawang-tawa naman ang lahat habang takang napatingin si Jhoey kay Row. Nung tumakbo kasi ito ay dere-deretso ito kay Row at binangga niya kaya pareho silang nahulog sa dagat.
Binatukan niya naman ito, "Umayos ka nga Rowena! Naabot mo naman" napatigil naman ito at na-realize niyang hanggang dibdib lang niya yung tubig. "SHUNGA!" sigaw nito sabay tawa.
"Wag mo akong pagtawanan!" sinabuyan niya naman ito ng tubig sa mukha.
"Oh Row, sallbabida baka malunod ka ulit!" hinagis ni Tin yung pink na salbabida habang tawang-tawa pa din.
Agad naman niya itong kinuha, "oo tama ka, baka malunod ako sa pagmamahal mo!" at may kindat-kindat pa itong nalalaman.
"EYYYYY! Naglalandian!" medjo bitter nasabi ni Jhoey.
"wala ka lang kasing love life" dumelat naman ito.
"at ikaw meron?" pangongontra na naman ni Tin.
"Oo meron . . . ekaw" sabay kindat ulit.
"Ah ganoon" tinapon ni Tin yung beach ball na sumakto naman sa mukha nito. Tawang-tawa naman si Jhoey, "buti nga!"
"Ang iingay niyo naman" reklamo ni Max na kasalukuyang nakahiga sa salbabidang hugis kama.
"Maingay ka jan!" sinabuyan naman siya ni Jhoey ng tubig at agad itong naupo pero nakalimutan niya atang nasa tubig siya kaya ayun na out of balance.
"HAHAHAHAHA Buti nga sayo"
"ikaw bata ka!" mabilis itong lumangoy at hinabol si Jhoey na siyang agaran namang naapalangoy papalayo. "AHHHH Shokoy!!" ang bilis kasing lumangoy nitong si Max.
"Ayan kasi, inaaway mo!" panganganchaw ni Row.
Napatalon naman si Jorge papunta sa dagat at nagback hug kay Pat. Tahimik lang yung love birds habang ini-enjoy yung moment. Di kasi nila tiyak kung mauulit pa ba ang moment nilang ito. Pareho silang nangangamba sa kung ano ang mangyari sa susunod na mga araw.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...