#BC3InSicknessAndInHealth
Jhoey's POV
"Pinagalitan ka ba ni Master?" tanong sa akin ni Mei ng bumalik na ako sa may training mat. Galing kasi ako sa office ni Master Yoon, kinausap niya ako tungkol sa naging pag-absent ko kahapon sa training.
"Hindi naman, napagsabihan lang. Since ito pa yung first time na umabsent akong walang proper reason, papalampasin niya na muna. Pero the next time, papatungan na daw niya ako ng parusa..."
Tumango naman siya tapos ay puwesto na sa may harapan ko at itinaas yung kicking pad, "kamusta naman ang hangover mo?"
"eto, it hurts like hell pa din. Parang kulang na lang ay mahati itong utak ko!" medjo exag yung pagkasabi ko sa kanya.
She chuckles, "Don't worry ipagluluto kita ng masarap na sopas mamaya"
Napangiti naman ako, "salamat. Wag mo akong masyado sanayin, Chef!" nagtawanan naman kami at muntik pa kaming mapagalitan.
Sabado ngayon kaya buong maghapon kami sa taekwondo gym.
"Mei,you're getting more beautiful everyday" narinig kong puri ni Steve sa kanya, ang co-trainee naming masugid nitong manliligaw.
"Hay naku Steve, alam ko na yan matagal na"
"Mei, kahit isang date lang oh pagbigyan mo na ako" sunod ito ng sunod sa kanya habang nagliligpit si Mei sa mga training equipments. Groupo kasi namin yung naka-assign na magligpit ngayon.
Nagwawalis naman ako habang tahimik na nakikinig sa kanilang usapan. (Chismosa lang yung peg)
"Steve bakit ka ba nanghihingi, di naman ako kalendaryo!" napa-'woah' naman yung ibang kasama naming naglilinis at nakikinig din sa kanila.
"Mei naman, alam mong hindi yan yung ibig ko---" mabilis pa sa alas kwatro naman itong napa-atras ng biglang sipain siya ni Mei sa may ulo niya. Ilang inches na lang siguro bago ito tuluyang tumama.
"M-Mei..." nanginginig yung boses niya.
"wag makulit!" I chuckled ng makita yung takot na mukha ni Steve. Halos mawala lahat ng dugo niya sa mukha. Si Mei naman on the other hand ay mukhang annoy na annoy na talaga.
'Pero if I know, pinagtitripan niya lang yan'
Tumawa naman ito,
'sabi ko na eh'
. . .
Tony's POV
Nasa Manila branch ako ng GGC ngayon, as usual business related pa din. Eto na ata yung naging routine ko aside from being a father at spouse ni Andria. Simula ng mag-college na yung mga babies namin, madalas ko ng sinasama si Andria. Ngayon lang yung hindi, minsan kasi kung hindi siya tinatamad, mag-aasikaso daw siya sa backyard namin. She's fond of planting and gardening kaya kung uuwi ako sa bahay, madalas akong tumambay sa garden. Sobrang nakaka-relaxing kasi yung ambiance.
Anyway, nasa kalagitnaan ako ng meeting ng biglang may tumawag sa akin. Ng makita kong number ni Andria yung tumatawag ay without any doubt ay agad ko na itong sinagot.
"Excuse me for a while..." sabay labas ko sa conference room.
"Hello?"
'H-Hello...'
Nakaramdam ako ng pangangamba ng marinig ko yung boses ni Max, "Anong nangyari!?"
'Si Mama po, nahimatay. D-Di ko po alam, bigla na lang siyang nawalan ng malay....' she sobbed.
BINABASA MO ANG
By Chance III (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Initially published on August 19, 2015 [Highest Rank: #182 in Fanfiction] ~ Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved This book is a work of Fiction. Names, characters, places and incidents are either the product...
