Chapter 11

2.1K 63 9
                                    

#BC3Parents



"Tony!" napaupo ako ng bigla pitikin ni Andria yung ilong ko.

"Huh?"

Narinig ko naman itong bahagyang napatawa, "Nagugutom ako" sabay nguso nito.

Napakamot ako sa ulo at antok na napatayo mula sa kama, "ano ba gusto mo ngayon?"

Masigla itong ngumiti sa akin at inilagay sa ilalim ng baba nito ang kanyang hintuturo habang nag-iisip, "Gusto ko ng . . . . MANGGANG HILAW!"

Para namang may tumamang kidlat sa systema ko at gulat na napatingin sa kanya, "MANGGANG HILAW?!"

Tumango naman ito at ngumuso, "pleasee..."

"Pero wala namang manggang hilaw dito sa US" sabay kamot ko sa ulo.

"Perooo...." unti-unting nawala ang masigla niyang aura at napalitan ito ng lungkot at pagkadismaya.

"Oii..." napaupo muli ako sa kama at hinimas ang kamay nito, "don't be sad"

"sige, di bale na lang" humiga ito at tinalikuran ako.


Sighed


Grabe talaga, ilang beses na din toh at alam kong maraming beses pa ito mauulit. Titiisin ko sa loob ng 9 buwan ang sobrang moody na si Andria na times 10 pa sa PMS version niya.

"Andria..."

"Matulog kana" ayan nagiging dragona na naman siya.

Grabe ganito ba talaga pag nagbubuntis?

"Oi? Di ba pwedeng iba na lang? Like, pineapple or orange? O gusto mo ipagluto na lang kita ng sinigang?" pagsuyo ko.

"manggang hilaw ang gusto ko PERIOD!"


Sighed


"kung mabibigyan ba kita niyan, di ka na magtatampo?" inantay ko ang sagot niya ngunit di na niya ako kinikibo.

Mag-aala una na ng umaga ng bumaba ako sa may kitchen. Pinuntahan ko ang butler ko sa silid niya at ginambala ang kanyang pagtulog, "please contact the nearest G-restaurant and ask some 'manggang hilaw' if they have some stocks" I told him.

"right away master" halata sa mukha nito ang antok. Ilang tulog na din kaya ang naistorbo ko dahil sa paglilihi ni Andria.

Almost an hour din ang inantay ko ng makarating na yung pinapakuha ko. Agad ko itong inakyat sa kwarto at ibinigay iyon kay Andria.

"Sweetie?" marahang paggising ko sa kanya. Agad kong ipinakita sa kanya ang mangga ngunit parang wala namang epekto ito sa kanya, "ayoko na niyan" antok na wika nito.

"WHAT?!" medjo na palakas yung boses ko.

"Shut up will you! Go to sleep, kitang natutulog ako." napaface-palm naman ako dahil doon sa sinabi niya.

Tingnan niyo nga, bukod sa moody parang may bipolar at amnesia din itong asawa ko. (may amnesia nga pala si Andria, pero that's not the point!)

Sighed

Napaupo ako sa kama at humiga na ulit, "nasayang na naman ang effort ko" bulong ko sa aking sarili at napatingin sa babaeng pinakamamahal ko.

Kahit buntis ito di pa din nawawala ang kagandahang taglay niya. 'Sobrang ganda niya, in fact Mas Gumaganda pa nga siya'

By Chance III (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon